Lolit Solis sa bagong ineendorso ni Heart Evangelista: ‘Talbog! Tuloy ang lahat ng trying hard!’

Lolit Solis sa bagong ineendorso ni Heart Evangelista: ‘Talbog! Tuloy ang lahat ng trying hard!’

PHOTO: Instagram/@iamhearte

ABA, hindi na talaga ma-reach ang pagiging bongga ng socialite na si Heart Evangelista pagdating sa fashion world!

Ibinunyag kasi ng talent manager at kolumnistang si Lolit Solis na si Heart ang piniling maging endorser ng isang international brand at bigating mall.

“Talagang kinuha siya endorser ng isang international brand at bonggang mall ha,” proud na wika ni Manay Lolit sa isang Instagram post.

Ayon din ni Lolit, isa itong katunayan na hindi basta-basta ang pagiging susyal at fashion icon ni Heart.

“Katibayan tanggap ang kanyang pagiging classy at hindi lang pa epek ang kanyang social taste,” sey niya sa post.

Chika pa ng kolumnista, “Siguro nakita din ang mataas na level ng kanyang family background kaya ganuon. Saka siyempre iba pa rin iyon galing siya sa pamilya Ongpauco. Kaya siguro kilala din abroad ang pagiging fashionista niya.”

Sa huli ay pinatamaan niya ang mga nanggagaya sa socialite at tila sinabing walang makakapantay talaga kay Heart.

“Hayan talbog tuloy ang lahat na trying hard gumaya kay Heart. Kaya uwian na may nanalo na, wala na tayong magagawa,” ani ni Manay Lolit.

Baka Bet Mo: Lovi Poe patuloy na inuulan ng blessing, may serye at pelikula na mabenta pa bilang brand endorser

Wala nang ibinigay na detalye ang kolumnista kung ano nga ba ang brand na kumuha kay Heart, pero kamakailan lang ay nag-trending ang pagbisita niya sa The House of Fornasetti (Casa Fornasetti) sa Milan.

Ibinandera pa nga ng dating aktres sa social media na personal siyang sinalubong ng tagapamuno ng ultra high-end multi-million dollar art Italian company na si Signore Barnaba Fornasetti, ang anak ni Piero na siyang nagtayo ng art house noong 1940.

“Here’s a magical place where imagination meets design in Milan—Casa Fornasetti,” saad ni Heart sa kanyang post sa Instagram.

 “Opulence gave me the opportunity to visit the heart of the @fornasetti archive and immerse myself into an alluring world full of art and décor,” dagdag pa niya.

 

 

Walang binanggit si Heart kung ano ang proyekto niya with Fornasetti pero sure na raw ang collaboration nito sa pamosong Italian brand.

“My journey with Opulence and Fornasetti has just started. Stay tuned for more details soon,” ani Heart sa kanyang post.

Related Chika:

Paris Hilton proud maging ‘mommy’, nakapiling na ang kanyang baby boy

Read more...