KAHIT ang seasoned actor at dating Laguna governor na si ER Ejercito, hindi na naitago ang paghanga sa love team nina Barbie Forteza at David Licauco.
Na-witness mismo ni ER ang galing sa pa-arte ng dalawa dahil kabilang din siya sa TV remake ng blockbuster movie na “Maging Sino Ka Man” na pinagtatambalan nina Barbie at David.
Sa naganap na press conference ng upcoming serye, sinabi ng dating gobernador na may potensyal na sumunod sa yapak ng ilang sikat at batikang artista ang dalawa.
“As an action star, I highly believe that David Licauco can be the next Ace Vergel and the next Rudy Fernandez. I believe that David Licauco will be like them,” sey niya.
Para sa mga hindi masyadong aware, ang mga nabanggit niyang action stars ay sikat noong 1970s to 1990s.
“I also believe that Barbie Forteza can be the next Nora Aunor or the next Vilma Santos for the new generation,” patuloy ni ER.
Bukod diyan, ibinunyag din ng veteran actor na bilib na bilib siya sa chemistry ng BarDa pagdating sa pelikula.
Sambit niya, “Naniniwala akong malakas ang chemistry nina Barbie at David.”
“Sila ang next Nora-Tirso,” dagdag niya kung saan ang tinutukoy niya riyan ay ‘yung sikat na loveteam noon nina Nora Aunor at Tirso Cruz III.
Tila kinilig naman si David sa mga narinig niyang papuri mula sa seasoned actor at lubos niya itong pinasalamatan.
“Siyempre, it’s a huge compliment for me. Maraming salamat,” saad ni David.
Kwento pa niya, “At tsaka, si Gov (Ejercito), mukhang intimidating from the outside pero noong nagka-kwentuhan po kami, talagang maayos siyang kausap, humble despite ‘yung dami ng kanyang accomplishments sa buhay.”
Aminado rin ang Kapuso star na marami pa siyang kailangang matutunan sa pagiging action star dahil mas gamay niya raw ang pagiging “romantic” actor.
“Noong sinabi sa akin na full-fledged action series siya, to be honest, sa acting kasi, gusto ko ang romantic scenes,” chika ni David.
Aniya pa, “But then, nakita ko na ‘yung action ay merong acting din. Merong nuances kung paano siya gagawin.”
Ang “Maging Sino Ka Man” ay unang ipinalabas noong 1991 na pinagbibidahan ng actor-politician na si Senador Robin Padilla at Megastar Sharon Cuneta.
Related Chika: