Boy Abunda, Pia Cayetano at Alan Peter Cayetano
HINDI napigilan ni Sen. Pia Cayetano ang bugso ng damdamin dahil sa isang tatay na dahil sa kapabayaan ay naaksidente at nasaktan ang anak.
Sa episode ng “CIA with BA” nitong Linggo, September 24, sinermunan ng senadora si Christian, na inireklamo ng kanyang biyenan na si Angelita sa segment na “Case 2 Face.”
Kwento ni Angelita, isang Sabado nang gabi habang lasing si Christian ay isakay nito ang isa sa tatlong anak na minaneho ng kapwa lasing na kaibigan.
Nang gabing ‘yon, sila ay naaksidente at nagtamo ng matinding pinsala ito sa bata. Ngunit hindi ito agad nalaman ni Angelita dahil itinago ito ni Christian at ng asawang si Christine (na ampon ni Angelita).
Ayon sa lola, kinailangang dalhin sa ospital ang kanyang apo para agad itong magamot at masemento ang buto. Lahat ng gastos dito ay siya ang sumagot.
Matapos marinig ang kwento, agad na pinunto ni Sen. Pia ang ginawang paglilihim ni Christian at asawang si Christine.
Baka Bet Mo: Payo ng ‘CIA with BA’ sa mga tatay na patuloy na nagsasakripisyo para sa pamilya: ‘Laban lang!’
“Hindi kayo humingi ng tulong dahil nasabihan kayong ‘tumayo kayo sa sariling paa niyo’? Pride mo ‘yon! Naaksidente ‘yung apo niya, hindi niyo sinabi?” sabi niya
“Paano kung duguan ‘yon? Hindi niyo tatakbuhan ‘yung lola, hahayaan niyong mamatay, dahil sa pride niyo? O dahil ayaw niyong mapagalitan kayo? E papagalitan talaga kayo dahil para kayong bata! Hindi kayo parang magulang kumilos!” aniya pa.
“Hindi ko sinasabing masama kang tao,” galit ni Pia. “Hindi ka masamang tao, pero may chance ka pa na maging mas magaling na tatay at mas magaling na asawa.”
Ipinaliwanag naman ni Sen. Alan Peter Cayetano na ang ginawa ni Christian ay maaaring matawag na krimen.
“Alam mo, pwede kang ipakulong. Kasi ‘yung ginawa mo sa anak mo, pasok sa VAWC (Violence Against Women and Children) ‘yon at pasok sa child abuse. Bakit? Hindi tunay na aksidente ‘yon.
“Nu’ng sinakay mo ‘yung anak mo, sa motor pa naman — 2-wheel lang ‘yon, tapos lasing ‘yung nagda-drive at lasing ka rin, hindi aksidente ‘yon. May neglect ka do’n,” sabi niya kay Christian.
“Ang aksidente, ibig sabihin wala kang magagawa. Pero ito, kung titignan mo, kasama sa batas natin ‘yan. Hindi mo pwedeng ilagay ‘yung bata sa isang sitwasyon na mapapahamak siya,” dagdag pa niya.
Bago naman matapos ang segment, humingi ng kapatawaran ang mag-asawa at nangakong magiging mas mabuting magulang sa kanilang mga anak at mabuting anak at manugang kay Angelita.
Samantala, nangako ang public service program na magbibigay ng assistance kay Christian, gaya ng pagbibigay ng mga kagamitan para makapagsimula siya ng maliit ng furniture business at pati na rin vocational education sa pamamagitan ng TESDA (Technical Education And Skills Development Authority), upang makapaghanapbuhay para sa kanyang pamilya.
Si Angelita naman ay bibigyan ng panimula para sa kanyang maliit na manicure-pedicure business.
Ang “CIA with BA” ay pagpapatuloy ng nasimulang misyon ni Sen. Rene Cayetano, ang yumaong ama ng magkapatid na senador.
Si Sen Rene ang orihinal na abogadong nagbibigay ng legal advice sa telebisyon at siyang host ng sikat na programang “Compañero y Compañera” noong 1997 hanggang 2001.
‘Wag palagpasin ang “CIA with BA” kasama sina Alan, Pia, at award-winning TV host na si Boy Abunda tuwing Linggo ng gabi, 11:30 sa GMA.
Erik Santos ilang bases nadapa, umiyak, nag-breakdown: ‘After everything, you are still standing strong, surviving… fighting’
Erik Santos nagluluksa sa pagkamatay ng ina: Mahal na mahal na mahal kita!