Toni Fowler sinampahan ng kasong kriminal dahil sa 3 ‘malalaswang music video’

Toni Fowler sinampahan ng kasong kriminal dahil sa 3 'malalaswang music video'

KINASUHAN ng Kapisanan ng mga Social Media Broadcaster ng Pilipinas, Inc. (KSMBPI) ang aktres at content creator na si Toni Fowler.

Ngayong araw, September 27, isinampa ng KSMBPI ang mga kasong paglabag sa Article 201 ng Revised Penal Code in a Relation sa Cybercrime Prevention Act of 2012, laban sa sexy vlogger.

Ang mga naghain ng kaso laban kay Toni sa Pasay City Prosecutiors Office, sa Pasay City ay  sina Atty. Leo Olarte, President ng KSMBPI, at Atty. Mark Tolentino, at Atty. John Castrisciones, KSMBPI Director.

Ayon sa mga abogado ng naturang organisasyon, nagdesisyon silang idemanda si Toni dahil sa tatlong music video nito na kumakanta at nagpe-perform umano ng mga kabastusan.

May mga eksena pa raw sa nasabing music video kung saan ipinakita ang maseselang parte ng katawan ng lalaki.

Baka Bet Mo: Promise ni Toni Fowler sa magulang matapos ireklamo ang malaswang music video: Gagawa rin po ako ng pwede sa bata

Ipinunto pa ng grupo na maraming kabataan ang nakakapanood ng mga video ni Toni sa social media kahit pa may disclaimer pa itong “for adults only” o bawal sa mga bata.

Sabi pa ng KSMBPI, bawat video raw ay may multa na P6,000 hanggang P12,000 at parusang pagkakakulong ng hanggang 20 taon.

Wala pang inilalabas na opisyal na pahayag si Toni hinggil sa asuntong isinampa laban sa kanya.

Nauna rito, nagsampa rin ng kasong kriminal ang KSMBPI laban sa magkarelasyon na sina Vice Ganda at Ion Perez dahil sa “indecent acts” umano ng mga ito sa isang episode ng “It’s Showtime.”

Related Chika:
Toni Fowler nag-attitude, nag-walkout sa taping ng ‘Batang Quiapo’: ‘Hindi ko na talaga kaya Direk, tanggalin n’yo na lang ako!’

Toni Fowler trending dahil sa malaswang music video, netizens naalarma

Read more...