Dingdong nagpaliwanag kung paano ginagawa ang survey sa Family Feud: 'Pinagsasama-sama sa 1 kuwarto ang 100 respondents' | Bandera

Dingdong nagpaliwanag kung paano ginagawa ang survey sa Family Feud: ‘Pinagsasama-sama sa 1 kuwarto ang 100 respondents’

Ervin Santiago - September 27, 2023 - 10:47 AM

Dingdong nagpaliwanag kung paano ginagawa ang survey sa Family Feud: 'Pinagsasama-sama sa 1 kuwarto ang 100 respondents'

Dingdong Dantes

SA lahat ng mga nagtatanong kung paano isinasagawa ang actual survey para sa Kapuso game show na “Family Feud“, nagpaliwanag diyan ang host ng programa na si Dingdong Dantes.

Nakachikahan ng BANDERA at ng ilang members ng entertainment media ang Kapuso Primetime King sa presscon para sa season 2 ng “Family Feud” na magsisimula na next week.

Dito nga naitanong kay Dong kung paano ba ang ginagawang proseso ng production para ma-survey ang 100 katao kung saan ibinabase ang sagot at score na makukuha ng kalahok.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes)


Paliwanag ng TV host-actor, pinagsasama-sama raw sa isang kuwarto ang 100 respondents o mga taong napili para sumagot sa ilang katanungan.

“‘Yung tanong ay sinasabi, hindi siya binabasa. Kasi magkaiba ‘yun kapag binasa mo ‘yung tanong.

“Yung talagang nakikita mo ‘yung spelling, so iba na ‘yung mapoproseso mong sagot du’n,” esplika ni Dingdong.

Pagkatapos nito, itatala naman ang mga sagot, at ang actual numbers na maito-total ng production ang siyang gagamitin sa show.

Baka Bet Mo: Pauleen nagpaliwanag kung bakit walang face mask si Tali sa kanilang ‘field day’ photo

Samantala, sa darating na Lunes, October 2, mapapanood na uli ang “Family Feud Philippines” matapos ang ilang buwang season break nito. Inamin ni Dingdong na super na-miss niya ang programa.

“We aired for more than a year before the break and finally, we’re back kaya sobrang high morale at high spirits lahat ng tao.

“Miss na miss namin, ang tagal naming hinintay na makabalik ang pinakamasayang game show sa buong mundo. Kahit saan ako pumunta pinapaalala ng mga tao sa akin kung kailan daw babalik. It only proves one thing, na hinahanap-hanap talaga siya,” aniya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes)


Napakalaki rin daw ng nagawa sa kanya ng show para mas maging kumportable sa pagho-host ng game show, “Generally, tahimik akong tao pero kapag nasa ‘Family Feud’ stage ako, ito ‘yung space ko na maging maingay at magulo.

“It’s also very therapeutic for me kasi in a way, hosting is also a performance. Nae-enjoy ko itong ginagawa ko because kakaiba ang energy na nakukuha ko sa contestants. I always look forward to ‘Family Feud’ days sa isang linggo,” sabi pa ng aktor.

Dagdag pa niya, “Kaya siya special because we really give value sa charity component. Kung bibilangin natin ‘yung P20,000 a day na nado-donate ng winning groups sa foundations, talagang isang mahalagang aspeto ‘yun ng buong program. That’s why every episode is unforgettable for me.”

Bukod dito, masaya ring ibinalita ni Dong na magkakaroon na rin ng “Family Feud Kids Edition”, “Celebrity kids aged 7 to 12 years old will have fun guessing the top answers to various survey questions answered by 100 children of the same age.”

Kaya tutok na sa new season ng “Family Feud” sa darating na October 2, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA 7.

Janella nagpaliwanag sa viral ‘higupan scene’ nila ni Joshua sa ‘Darna’: Basta ang lala niya!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Rep. Claudine Bautista nagpaliwanag na sa bonggang Balesin wedding; Michael Cinco nag-sorry din

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending