Faith da Silva niyayang lumafang sa karinderya ang ka-date na lalaki, ‘nag-propose’ sa gitna ng EDSA: ‘Would you like to be my boyfriend?’

Faith da Silva niyayang lumafang sa karinderya ang ka-date na lalaki, 'nag-propose' sa gitna ng EDSA: ‘Would you like to be my boyfriend?'

Faith da Silva

NAKAKALOKA ang rebelasyon ng Kapuso actress at TV host na Faith Da Silva tungkol sa mga naging karanasan niya noon sa pakikipag-date.

Ilang hindi malilimutang experience sa  “dating” ang ibinandera ng dalaga sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan, kabilang na rito ang pag-aya niya sa lalaki na lumafang sa isang turo-turo o karinderya.

“Matagal na rin akong hindi nakikipag-date. I wanted to experience it again,” ang chika ng “Maging Sino Ka Man” star kay Tito Boy.

Hanggang ngayon ay sariwa pa sa isip ni Faith ang naging date nila noon ng kanyang BFF na guy at ito raw ang pinaka-favorite niya sa lahat.


“I was still young, siguro mga 17 o 18 years old. Meron akong guy best friend, and super close talaga kami. Feeling ko kahit paano meron din kaming feelings toward each other, pero walang umaamin,” pagbabalik-tanaw ng aktres.

Inamin niyang siya ang unang nagparamdam sa kaibigan, “So magva-Valentines na, sabi ko sa kaniya ‘Bakit hindi tayo mag-date? Katuwaan lang, eme emehan lang.’”

Pero shookt ang dalaga na noong mismong Valentine’s Day ay sinundo siya ng kanyang best friend, “Sa loob ng car niya merong stuffed toy, may camera, may balloons.

“So parang na-overwhelm ako na, ‘Hala akala ko trip trip lang ito, bakit masyadong seryoso na?’ Pero na-appreciate ko ‘yun kasi wala pang gumagawa sa akin noon ever,” sey pa ni Faith.

Pumunta raw sila sa isang museum at nagsimba, “After that, dinner time na. Hindi pa siya nakaka-try kumain ng food from karinderya. Sabi ko sa kaniya ‘Ipa-try ko sa iyo for the first time para iba ‘yung experience mo.’

Baka Bet Mo: Albert Martinez sa chikang may relasyon daw sila ni Faith da Silva: I believe it’s not that bad at all…

“Kumain kami sa karinderya. Nakikita ko na nag-e-effort talaga siya para makibagay sa akin. Kasi siyempre laking San Andres Bukid ako, so ‘yung mga trip ko in life baka hindi niya ‘abot,’” natatawa pang chika ng Kapuso star.

Patuloy pa niya, “Noong pauwi na kami, iba na ‘yung napi-feel ko talaga. Sobrang na-appreciate ko na siya and nagkakaroon na ako ng second thoughts kung gusto ko bang maging single or mag-in a relationship na with this person.”


Habang binabaybay daw nila ang kahabaan ng EDSA, sinabi ni Faith sa kaniyang best friend na may gusto siyang aminin kaya itinigil ng guy ang kotse.

“Sabi ko ‘Would you like to be my boyfriend?’ Pero hindi naman po ako ‘yung nanligaw, ako lang po ‘yung nagtanong. Ha-hahaha!

“And then after that he said ‘I’d love to,'” chika pa ni Faith hanggang sa maging sila na nga. Tumagal ang relasyon nila ng more than a year.

“Kaya lang LDR. Umalis siya. Alam niyo naman ‘yung mga umaalis ng bansa. Char!” ani Faith.

Samantala, hindi naman niya nagustuhan ang isa pa niyang karanasan sa pakikipag-date.

“I was hanging out with this person, nag-gym kami, hang out date siya, ‘yung sinasabi niyo lang na hang out pero alam niyo namang dalawa na date ‘yon,” ani Faith.

After daw nilang mag-workout, nagsimba sila at lumafang sa labas, “Pagdating ko po roon sa restaurant, ‘yung buong pamilya niya nandoon. So ako ‘Family affair ba ito? Ano ang nangyayari?’

“Nagulat lang ako na buong family nandoon agad. Kasi usually sa relationships, it even takes years before mo maipakilala ang karelasyon mo. Pero sa kaniya, hindi pa kami close. I felt awkward,” sey ni Faith na never na raw kinausap uli yung guy.

Ito naman ang isa sa mga advice ni Faith sa mga makikipag-date, “When it comes to dating. Kasi medyo marami na rin akong na-date, and na-experience ko na ‘yung iba’t ibang age, so well-rounded na ako when it comes to (dating).

“Huwag kang magpanggap. If you do not like something, leave. If you don’t feel like being respected, leave. If you don’t feel like the person is not exerting as much effort, leave,” payo pa niya.

LA Santos bumilib sa mga nagtatrabaho sa karinderya: ‘Grabe yung buhay nila, karamihan sa kanila galing pa sa probinsya’

Faith da Silva sa tunay na relasyon nila ni Albert: Masaya ako na nakilala ko siya in a deeper level…

Read more...