Matteo Guidicelli walang takot sa mga buwis-buhay na eksena sa ‘Black Rider’, ayaw magpa-double sa mga stuntman

Matteo Guidicelli walang takot sa mga buwis-buhay na eksena sa 'Black Rider', ayaw magpa-double mga stuntman

Matteo Guidicelli

PAK na pak bilang action star ang Kapuso TV host-actor na si Matteo Guidicelli matapos magpakitang-gilas sa shooting ng upcoming action-drama series na “Black Rider.”

Marami ang napa-wow at napanganga sa ginawang stunts ni Matteo sa ilan niyang eksena sa “Black Rider” na pinagbibidahan din nina Ruru Madrid at Yassi Pressman.

Ipinakita ng husband ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo ang kanyang mga nalalaman sa drifting, o ang pagmamaneho ng sasakyan nang patagilid habang paliko.

Mismong ang aktor ang gumawa ng delikadong stunt para sa isang chase scene sa “Black Rider.” Hindi na nagpa-double si Matteo sa nasabing buwis-buhay na eksena.

Baka Bet Mo: Matteo nag-share ng tips para sa mga mag-asawa, hiling sa fans nila ni Sarah: ‘Ipagdasal n’yo po kami, sana magka-baby na’

“Magkakapalitan ng putok. Kapag palitan ng putok, may gagawing strategy si Matteo para ma-conquer nila ‘yung boys na mga humarang sa kanila,” ang pahayag ng second unit director ng serye na si Richard Arellano sa panayam ng GMA.

Ayon pa kay Direk Richard, naniniwala siyang kering-keri ni Matteo ang delikadong stunt kaya hindi siya nagdalawang-isip na ipagawa rito ang makapigil-hiningang drifting.

“Definitely, si Matteo kasi, skilled ‘yan sa driving ‘di ba? Bata pa ‘yan, kumakarera na ‘yan,” aniya pa.

Sey naman ni Matteo, malaki rin ang tiwala niya sa kanilang fight director na si Erwin Tagle na palagi nilang kasama sa set. Naroon din daw ang co-star nila sa serye na si Raymart Santiago na dati ring magaling na action star.

“Salamat kasama ko ‘yung best stunt director and of course the best action star so sila na bahala diyan,” sabi ni Matteo.

“Bata pa ako, nagsimula ako as a race car driver. Basta mga kotse, mga barilan, mga kutsilyo, okay naman tayo,” aniya pa.

Iikot ang kuwento ng “Black Rider” sa isang ordinaryong delivery rider na gagampanan ni Ruru at magiging instant hero sa lansangan dahil sa paglaban niya sa isang malaking sindikato.

Jane de Leon buwis-buhay ang action scenes sa Darna, naaksidente sa taping: Pagluhod ko may maliit palang pako

Matteo Guidicelli pinagsabihan si Alex Gonzaga: Irespeto natin ang mga asawa natin

Read more...