NAGLABAS na ng pahayag ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) kaugnay sa binitawang insensitive joke ng veteran TV host-comedian na si Joey de Leon.
Kamakailan lang, nag-trending sa social media ang komedyante dahil sa pagbibiro niya sa episode ng kanilang noontime show na “E.A.T.” na may konek sa suicide.
Nangyari ito sa segment na “Gimme 5” kung saan kailangang magbigay ng contestant ng limang bagay na isinasabit sa leeg.
Ang tanging naisagot lamang ng contestant ay “necklace”, pero sa katapusan ng round one ay biglang nag-suggest si Joey ng isa pang bagay na pwede raw isabit sa leeg.
“Lubid, lubid, nakakalimutan niyo,” ang birong hirit ng TV host.
Tila hindi naging maganda ang joke na ito ng TV host kaya bumuhos agad ang mga reklamo at pag-alma ng maraming manonood at netizens dahil may kaugnayan daw ito sa suicide o pagpapakamatay.
May mga panawagan din kay MTRCB Chairperson Lala Sotto kung saan nais kastiguhin at parusahan si Joey tulad ng ginawa ng kanyang ahensya sa hosts ng noontime show na “It’s Showtime” na sina Vice Ganda at Ion Perez.
Baka Bet Mo: Joey de Leon pinagmumura ng netizens dahil sa ‘lubid’ joke sa ‘E.A.T.’, MTRCB kinalampag: ‘Galaw, galaw Lala Sotto!’
Dahil sa nangyari, tiniyak ng MTRCB na susuriin nila ang mga natanggap na reklamo laban sa komedyante.
“Taking cognizance of the complaints from the viewing public in relation to E.A.T. Gimme 5 segment aired last 23 September 2023, the Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) shall determine if the same are valid and presumably violative of Presidential Decree No. 1986 and/or its Implementing Rules and Regulations,” saad sa inilabas na pahayag ng ahensya.
Matatandaang pinatawan ng MTRCB ng 12-day suspension ang kalaban ng “E.A.T.” na “It’s Showtime” dahil sa pagsubo ng icing nina Vice at Ion sa “Isip Bata” segment gamit ang kanilang daliri.
“Viewers have lodged multiple complaints before the MTRCB concerning the show’s 25 July 2023 episode wherein the program’s hosts allegedly acted in an indecent manner during one of its segments, ‘Isip Bata,’” ang bahagi ng resolusyon ng ahensya.
Related Chika: