Queenay Mercado natupad na ang wish na makatrabaho si Joshua Garcia: ‘Sobrang starstruck, hindi pa rin ako makapaniwala’
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Queenay Mercado at Joshua Garcia
DREAM come true para sa social media star na si Queenay Mercado na makasama sa isang proyekto ang super crush niyang si Joshua Garcia.
Parehong tubong-Batangas ang dalawa at matagal nang sinasabi ni Queenay na pangarap niyang makatrabaho si Joshua dahil grabe ang paghanga niya rito.
Magkasama ngayon ang TikTok superstar at si Joshua sa pelikulang “Fruitcake” mula sa Cornerstone Studios at Create Cinema, directed by Joel Ferrer.
Sa naganap na presscon para sa nasabing pelikula na balak isali sa Metro Manila Film Festival 2023, nitong Sabado, September 23, sa Kao Manila, World Resorts, Newport Mall, Pasay City, natanong si Queenay tungkol kay Joshua.
“Sa totoo lang po, hanggang ngayon ay hindi pa rin po ako makapaniwala. Sobrang natutuwa po ako at siyempre, ngayon po na nakikita ko na siya nang personal, hindi ko maipaliwanag (ang feeling),” pag-amin ng dalaga.
“Parang na-starstruck ako na ano ngayon. Sobrang masayang-masaya ako dahil yung kababayan ko, nakita ko na nang personal ngayon at bonus na naging parte pa ako ng Fruitcake,” aniya pa.
Dagdag pang chika ni Queenay about her experience sa shooting ng “Fruitcake”, “Sa totoo lang po, siyempre sobrang nao-overwhelm po ako. Kasi, panibagong blessing na naman na binigay sa akin ni Lord.
“And mapabilang dito sa cast ng Fruitcake, sobrang nagpapasalamat po ako sa Cornerstone, and siyempre kay Direk Joel. Maraming salamat po sa opportunity.
“Kasi talagang dating-dati pa lang, nangangarap lang ako noong bata pa na sana, makita ako sa ganyang movie dahil nanonood din lang naman ako ng movie before.
“Pero ngayon, eto na, nandito na ako, part na ako ng isang movie at sobrang masayang-masaya po ako,” lahad pa ng aktres at content creator.
Sa “Fruitcake”, may ginawang eksena sina Queenay at Joshua sa LRT kaya natanong ang dalaga kung anong feeling niya nang mga oras na yun?
“Jusko! Ano ba itong nararamdaman ko!? Alam mo yun, naghahalo yung saya, yung kilig. Siyempre at the same time, nandun pa rin yung parang natsa-challenge ka.
“Kasi siyempre, Joshua ito, e! Saka siyempre, yung mga linya ng mga artistang naririto, hindi biro, alam niyo yun?
“Sobrang gagaling ng mga artistang naririto. So, nandu’n yung challenge sa akin pero ginawa ko yung best ko talaga dito sa movie na ito. And ayun, sobrang masayang-masaya ako na naging part ako nito,” aniya pa.
Kasali rin sa movie sina Enchong Dee, Ria Atayde, Heaven Peralejo, Jane Oineza, Dominic Ochoa, KD Estrada, Empoy Marquez, Alex Diaz, Markus Paterson, Noel Comia Jr., Victor Anastacio, Kat Galang, Macoydubs, Red Ollero, Pocholo Barretto, Kaila Estrada at Karina Bautista.
By the way, ang title ng movie ay hango sa 1996 hit ng Eraserheads pero ang ginamit na version sa movie ay kinanta nina Yeng Constantino at KZ Tandingan.