Pagganap na tatay ni Jerald Napoles sa serye at pelikula bonggang training para sa magiging baby nila ni Kim Molina

Pagganap na tatay ni Jerald Napoles sa serye at pelikula bonggang training para sa magiging baby nila ni Kim Molina

Althea Ruedas at Jerald Napoles

MAGANDANG training para kay Jerald Napoles ang pagganap na tatay sa kanyang mga acting projects sakaling mag-decide na sila ni Kim Molina na magkaanak.

Sa latest movie ng actor-singer sa Viva Films, ang dramedy na “Instant Daddy” kung saan makakasama niya ang magaling na child star na si Althea Ruedas, at sina Ryza Cenon at Danita Paner, tatay na naman ang role niya.

Ang “Instant Daddy” ay adaptation ng global Mexican blockbuster na “Instructions Not Included” (2013) kung saan gaganap si Jerald bilang si Val Roxas, isang lalaking ayaw ng serious relationships, ngunit magkakaroon nh “instant anak.”

Isa sa mga natutunan ng aktor sa kuwento ng “Instant Daddy” ay, “Hindi mo pwedeng ilatag kung ano gusto mong mangyari sa buhay kapag naging tatay ka na.


“Kung ano ang mangyayari o binibigay sa ‘yo ng pagkakataon bilang pagmamahal mo sa anak mo, ‘yun na ‘yun,” aniya.

“Then, you just make the most out of it. Actually, ‘yun din ang kinapitan ko for me to have a safe realization to portray my role in this film.

“Whatever is the moment that Althea delivered as my daughter in this film, I embraced it agad. Para ‘yung rapport namin swak na swak,” dugtong ni Jerald na tatay din ang role sa weekly sitcom nila sa TV5 na “Team A.”

Baka Bet Mo: Jerald sa pagpo-propose kay Kim: Madali lang namang magplano ng pagpapakasal, pero mahirap talagang panindigan

“I researched about my daddy role. Kailangan mag-research ako kasi I’ve never done it before. Although noon binatilyo ako, growing up in Tondo with my mom and tito.

“Naiiwan sa akin ang baby ng tito ko at pinsan, ako ang mag-aalaga kapag naglalaro sila ng basketball. Pinaghugutan ko ‘yung experience ko kung paano mag-alaga ng baby,” pagbabahagi ng komedyante.

Tinanong namin si Jerald kung itinuturing na rin niyang training ground ang pagganap na tatay sakaling magka-baby na sila ni Kim. “Oo, okay naman. Marami akong natututunan talaga.”

Hirit pa niya sabay tingin kay Althea, “Sana, ganito kagaling, kabibo, katalino at kaganda ang anak ko. Pero hindi ko alam ang ibibigay ni Lord.

“I will just adjust. Pero ang masasabi ko lang isa si Althea sa nagpaganda sa pelikula. Of course, ‘yung child actor or actress na kasama mo, kailangan titimplahin mo ‘yan. May mood ‘yan. Aalagaan mo. Pero si Althea, parang tropa lang.”

“It’s very rare to have a child actor or actress na ganito ka-ready. She’s so ready in whatever role. I believe she’s the best in the industry when it comes to child acting,” sey ni Jerald.


Sabi naman ni Althea patungkol kay Jerald, “When we’re not shooting lagi po siyang nagpapatawa. We’re not pressured sa shooting. Marami po akong natutunan kay Tito Je.”

Iikot ang kuwento sa isang binatang umiiwas sa pag-aasawa ang hindi makakatakas sa pag-aalaga ng anak.

​Dahil lumaki siyang hiwalay ang kanyang mga magulang, ipinangako ni Val (Jerald) na hindi siya matutulad sa kanila. At para matupad ‘yon, sisiguraduhin niyang hindi magkaroon ng seryosong karelasyon.

Dala-dala pa rin niya ang sama ng loob sa kanyang nanay na nang-iwan sa kanya sa tatay niyang sobrang istrikto.

Naging taxi driver si Val sa Maynila. Iba’t-ibang babae ang nakikilala niya at nakakasiping. Isa dito si Julie, isang spa therapist. Makalipas ang isang taon, nagpakita si Julie na may dalang bata na anak daw ni Val at bigla na lang itong iniwan sa kanya.

Kahit ayaw niya, napasubo na si Val sa pagpapalaki kay Mira hanggang sa natutunan niya na itong mahalin nang todo. Si Mira ay lumaking kagiliw-giliw. Siya ang nagbibigay-lakas kay Val.

Tulad ni Val, naniniwala rin ito sa mundo ng pantasya. Pero kahit nabuhusan siya ng pagmamahal ni Val, nananabik pa rin ang bata sa pagmamahal ng isang ina.

Ngayon, nagbabalik si Julie para kunin si Mira. Magpaparaya ba si Val o ipaglalaban ang kanyang karapatan sa kanyang anak? Magiging “instant lonely” ba ang ating “Instant Daddy”?

Mula sa award-winning director at screenwriter na si Crisanto Aquino (Write About Love), kasama rin sa pelikula sina Danita Paner bilang Julie, si Ryza Cenon bilang love interest ni Val na si Kate, at sina MC Muah at Nikko Natividad bilang mga kaibigan ni Val.

Showing na sa mga sinehan nationwide ang “Instant Daddy” simula sa October 4.

Summa cum laude sa UP na si Val Llamelo nilinaw na walang konek kay Tito Sen ang viral answer sa E.A.T.; idol na idol sina Vice at Marian

Joyce Pring knows na kung bakit laging galit ang mga nanay; Althea Ablan, Elijah Alejo may aaminin sa TBATS

Read more...