MATINDING lungkot ang nararamdaman ngayon ng actress-producer na si Bianca Lapus.
Dalawang mahal sa buhay niya kasi ang nawala sa kanya.
Noong September 19, ibinalita niya na nakunan siya at pumanaw rin sa kaparehong araw ang kanyang ama na si Zoilo.
Sa isang Facebook post, humingi siya ng paumanhin sa fans dahil hindi siya naging active sa social media.
Paliwanag niya, kailangan niya kasi mag-focus sa kanyang kalusugan at pagbubuntis.
Baka Bet Mo: Mikee positibo pa rin kahit nakunan si Alex: Lalong tumibay ang samahan naming mag-asawa
“Thank you for all your messages, I am sorry I haven’t been really active on social media as I have been focused on my health and pregnancy,” caption niya.
Wika pa niya, “Yesterday was a sad and heartbreaking day. I lost both my baby & my dad.”
“Thank you for all the prayers in this difficult time [folded hands emoji],” dagdag pa niya.
Sa hiwalay na post, nagkaroon ng open letter si Bianca kung saan inamin niya na hindi pa rin siya makapaniwala na sumakabilang-buhay na ang kanyang mahal na ama.
“Hi Dadiyo, I still can’t believe you’re gone,” sey niya.
Patuloy ng aktres, “I am forever grateful to God that he blessed me with a dad like you.”
“Rest in Peace with our creator together with my unborn baby Z. I love you both,” aniya pa.
Sa comment section ng mga post, maraming fans at kaibigan ang nakiramay kay Bianca at sa kanyang pamilya.
Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento:
“My condolences and my prayers for you and your family Bianca [folded hands emojis].”
“Eternal rest po Let the perpetual help light shine upon him may he rest on peace po.”
“So sorry to hear this sis [heartbreak emoji] sending prayers [folded hands emojis].”
“Nakikiramay po ako sainyo Ate…Patuloy po kayong magpakatatag [folded hands emoji].”
Si Bianca ay may tatlong anak sa non-showbiz husband na si Jimmy Velasquez na sina Elijah, Exequiel at Ethan.
Ang kanyang panganay naman na si Isaiah ay anak niya sa dating mister na TV host-actor na si Vhong Navarro.
Related Chika: