NAGLABAS ng saloobin si Liza Soberano sa artikulo ng BANDERA tungkol sa mga naging reaksyon ng netizens na may kaugnayan sa kanyang Hollywood dream.
Maraming nagkomento sa bago niyang project sa YouTube kabilang na riyan ang kanyang mga bashers.
Magugunitang naglunsad ng travel vlog ang aktres na pinamagatang “Liza In Korea” kung saan ibinandera niya ang mayamang kultura ng South Korea, pati na rin ang ilang sikat na celebrities doon.
May magkahiwalay na artikulo na isinulat ang website na ito patungkol sa bagong passion project ng aktres, isa na nga riyan ang kanyang travel vlog na ibinandera noong September 18, at kasunod niyan ay ang mixed reactions ng netizens na ipinost naman nitong nagdaang September 19.
Ngunit mukhang ang ikalawang article lamang ang kanyang nabasa na siyang naging ugat ng kanyang reaksyon.
Baka Bet Mo: Liza Soberano ibinunyag ang pagpasok sa film school, tutuparin na ba ang pangarap na maging direktor?
Ibinahagi pa niya sa kanyang X (dating Twitter) account ang ni-repost na artikulo ng INQUIRER.net, ang main site ng BANDERA.
“What type of journalism is this @inquirerdotnet @banderaphl??” ang caption ni Liza.
Sey pa niya, “You guys are straight up shi**ing on a young woman’s dreams in the pursuit of clicks and comments.”
“Don’t you guys have more important news to talk about??????” dugtong ni Liza.
What type of journalism is this @inquirerdotnet @banderaphl?? You guys are straight up shitting on a young woman’s dreams in the pursuit of clicks and comments. Don’t you guys have more important news to talk about?????? https://t.co/Q7t3ItuR69
— Liza Soberano (@lizasoberano) September 21, 2023
Makikita sa comment section na marami ang um-agree sa naging pahayag ng dalaga. Valid naman daw ang kanyang dahilan kung bakit siya nag-react sa nasabing artikulo.
Kung babasahin ang ni-repost na article ng aktres, hindi lang ang mga komento ng bashers ang binanggit sa artikulo. Makikita rin dito ang pagtatanggol sa kanya ng fans.
Samantala, nakausap naman ng BANDERA ang PR manager at publicist ni Liza na si Chuck Gomez at nagpaliwanag tungkol sa pangarap ng aktres na makilala rin sa Hollywood.
Ayon kay Chuck, bilang SAG (Screen Actor’s Guild) member si Liza, nakikiisa siya sa nagaganap ngayong strike sa Hollywood kung saan ipinaglalaban ang mga karapatan at kapakanan ng mga taga-entertainment doon.
“Kaya habang naka-strike ang lahat, she did the Liza in Korea YouTube series dahil maganda naman ang project at aminin naman natin na love ng mga Pinoy ang Korea,” pahayag ni Chuck.
Maituturing din daw na international project ang ginawang series ni Liza sa Korea kaya sana raw ay maging proud din sa kanya ang mga Pinoy.
Related Chika: