Marian tinawag na bagong TikTok Queen, pinipilit pa si Dingdong na makipag-collab sa hatawan

Marian tinawag na bagong TikTok Queen, pinipilit pa si Dingdong na makipag-collab sa hatawan

AYAW na sanang sumayaw uli ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ngunit pinagbigyan nga niya ang mga fans na nagre-request na muli siyang mapanood na gumigiling.

At in fairness, nagbunga naman ng maganda ang pagbabalik niya sa pagsasayaw sa pamamagitan ng kanyang mga viral dance video sa TikTok.

Siya na ngayon ang tinatawag na TikTok Queen matapos makakuha ng more than 200 million views ang kanyang “Price Tag” dance video o mas kilala ng mga netizens na “To the Left to the Right” moves.

“Ayoko na sanang sumayaw. Nahihiya na ako. Pero sabi ko, ‘Try natin. To the left, to the right.’ Ayun na,” pahayag ni Marian nang makachikahan ng ilang members ng press sa Solmux Advance Jam event ng UNILAB na ginanap sa SM North EDSA last Saturday.

Marami ang nagkomento na kahit naka-jagger pants, neck shirt at baseball cap lang ang wifey ni Dingdong Dantes ay nag-uumapaw pa rin ang kanyang kaseksihan.

Sey ng aktres, ganu’n daw talaga siyang nagdamit kapag nasa bahay lang, “Kumportable talaga ako sa porma kong ganu’n. Pero bilang artista ka, may mga event kang pinupuntahan, kailangan pa rin siguro you maintain the character of being an artist pa rin.

Baka Bet Mo: Marian never naisipang magparetoke: ‘Wala naman, thank You, Lord! OK naman ako’

“Basta siguro ang pinaka-key lang talaga e ako ah, as ako na sumasayaw. Ine-enjoy ko lang talaga siya. Enjoy lang ako. Siguro sa mga nakakakilala sa akin alam nila na love ko talaga ang pagsasayaw. Binalik ko lang ulit,” sey pa ni Marian.

Samantala, kung may gusto siyang maka-collab sa TikTok in the future, yan ay walang iba kundi ang pinakamamahal niyang husband na si Dingdong.

“Sana mapilit ko ‘yung asawa ko sumayaw medyo nandu’n pa siya sa, ‘hmmmm…okay-okay.’ Pipilitin ko,” aniya.

“Wala naman siyang kondisyon, busy lang din talaga. Pero sabi ko sana bigyan mo ako ng time to collab with you. Sabi niya, ‘hmmmm’ (tumango),” sey ng Kapuso superstar.

May nagkomento naman mula sa press na magaling din namang sumayaw si Dong, “Oo naman, ‘yun naman talaga ang original dancer. Ako backup lang. Eh kung kilala ninyo ako isusuot ko kung saan ako komportable.

“Hindi ako ‘yan sa kung ano lang ‘yung uso. Kapag hindi ako komportable kahit uso ‘yan hindi ko isusuot ‘yan. Pero doon ako sa komportable ako na kaya kong dalhin,” sabi pa ng TikTok Queen.

Related Chika:
Promise ni Dingdong kay Marian sa gitna ng mga isyu ng hiwalayan sa showbiz: Forever and ever, amen!

Marian gustung-gusto pang bigyan ng kapatid sina Zia at Ziggy: Pero kung 2 lang talaga, OK na rin

Read more...