‘Sound of Freedom’ ibabandera ang istorya ng kabayanihan, #1 box office sa US na ipapalabas sa Pilipinas sa Sept. 20
MULA sa hindi malilimutang karakter sa phenomenal global hit na “The Passion of the Christ,” ang American actor na si Jim Caviezel ay bibida naman sa pinaka aabangang edge-of-your-seat thriller na bagong pelikula.
Pinamagatan itong “Sound of Freedom” na magbubukas sa mga lokal na sinehan sa darating na September 20.
Sa inilabas na pasilip, makikita na kinunan ito sa bansang Columbia.
Iikot ang istorya ng pelikula sa kabayanihan at hindi kapani-paniwalang mga pangyayari sa buhay ni Tim Ballard na ginampanan ni Jim.
Si Tim ay isang dating ahente ng gobyerno na naging “freedom fighter” na nagkaroon ng isang mapanganib na misyon kung saan kailangan niyang iligtas ang dose-dosenang mga bata mula sa human trafficking.
Baka Bet Mo: ‘Aquaman’ may matinding kalaban sa bagong pelikula, magiging kakampi ang kontrabidang kapatid na si ‘Orm’
Unang ipinalabas ang “Sound of Freedom” sa Estados Unidos noong July 4.
Nag-number one pa nga ito sa US box-office na nakalikom na ng $182 million o mahigit P10.3 billion at patuloy pa rin itong umaarangkada sa takilya kasunod ng pagpapalabas nito sa iba’t-ibang mundo.
Bukod diyan, nakakuha rin ito ng 99% na marka sa American film and TV review na Rotten Tomatoes.
Maliban pa kay Jim, bibida rin sa pelikula ang Colombian actors na si Cristal Aparicio at Lucás Ávila.
Tampok din ang Academy Award Winner Mira Sorvino, Bill Camp, José Zúñiga, Eduardo Verástegui.
Ang pelikula ay mula sa produksyon ng Angel Studios na siyang nasa likod ng sikat na series na “The Chosen.”
Related Chika:
Karylle nag-leave muna sa ‘Showtime’ bilang paghahanda sa musical play na ‘The Sound of Music’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.