Interview ni Julie Bonifacio
BALIK sa Primetime Bida sa ABS-CBN ang napakaseksing si Cristine Reyes sa bago niyang teleserye, ang Precious Hearts Romances Presents Kristine, na magsisimula na mamayang gabi. Huling napanood si Cristine sa Eva Fonda.
Happy si Cristine na siya ang napiling magbida para sa pagsasalin sa telebisyon ng pinakasikat na Tagalog romance pocketbook. No wonder super sipag ang sexy actress sa pagpo-promote ng bago niyang show sa Kapamilya network. And in one of her TV promotions, naka-one-on-one namin si Cristine para sa BANDERA.
BANDERA: Excited ka ba na mapanood ka uli ng fans mo sa primetime ng ABS-CBN?
CRISTINE REYES: Yes, masaya kasi matagal din akong nawala sa TV. Tapos ngayon babalik na ako. Masaya ako dahil primetime din siya and uhm, maganda ‘yung project and very proud ako.
B: Mas daring ba ang Kristine kesa sa Eva Fonda?
CR:Siguro po. Pero hindi naman daring na katulad ng Eva Fonda. Mas light ang sexy dito at love story siya talaga. And maraming pangyayari. As in, 52 books kasi siya. So, ano, susubukan namin gawin lahat. (Pero) ‘yung story lang ni Joel, story ko lang po ang ita-tackle. Kaya iigsi siya ng konti. ‘Yung pagse-seksi ko po, sundut-sundot lang pero makikita ninyo rin po kapag na-develop na kami sa isa’t isa.
B: Kumusta naman kayo ng bago mong leading man na si Zanjoe Marudo?
CR:Okey naman, relax lang. Chill lang kami.
B: Mukhang nahawa ka agad kay Zanjoe sa pagsasabi ng ‘chill’?
CR:Ah, ganu’n ba? Hindi ko alam. Pa-cool siya, ganu’n na lang.
B: Hindi malayong matsismis kayo ni Zanjoe since pareho kayong single ngayon.
CR:Confused! Hahahaha!
B: Bakit confused?
CR:Hindi ano, hindi ko alam. Trabaho na lang muna tayo.
B: Nakaka-in love ba si Zanjoe para sa ‘yo?
CR:Hindi rin. Joke! Hahahaha! Hindi, I mean, ewan ko. Ayokong magsalita ng tapos.
B: Hindi ba si Zanjoe ang tipo mong lalaki?
CR:Uhm, tall, dark and handsome. Pero siguro kapag nakasama ko na siya ng matagal at nakilala ko siya. Balitaan ko kayo.
B: Mas gusto mo yata short, white and handsome?
CR:Hindi naman. Mga ano, tipong mga ano lang, Asian. ‘Yung minimal lang (height), tsinito, maputi.
B: After ni Angelica Panganiban, ikaw naman ang magpapainit ng gabi ng male viewers.
CR:Dalawa kami ni Denise Laurel. Sexy naman ‘yun matagal na, ‘di ba? Naks naman. Tsaka nandu’n din sina Zanjoe at Rafael (Rosell).
B: Naiirita ka ba kapag sinasabi na ang tingin sa iyo ng ibang kalalakihan ay isang sex object?
CR:Ah, ano, nakakainis. Nao-off ba ako? Siguro ano, iisipin ko na lang ‘yun as a compliment at ayoko siyang isipin as negative. Kasi, ‘di ba? Huwag na lang, hayaan ang isang bagay na negatibo pagdating sa ‘yo para lahat positive.
B: Last time, naikuwento mo sa amin ang tungkol sa heart ailment mo. May development ba sa pagbuti ng iyong puso?
CR:Okey na po. Kailangan lang talaga ng alaga. Huwag masyadong mag-extreme sports. Basta kapag alam mong pagod na, pahinga na. Ngayon, ano, well, as much as possible meron akong time para magpahinga, nagna-nap po ako.
B: May nag-aalaga na rin ba sa puso mo?
CR:Wala po. Wala, promise.
B: Hindi ba si Rayver Cruz?
CR:Sabi ko dati, papunta na sana pero naudlot, e. Parang ayoko na lang, parang mas maganda kung ano, palipasin muna natin ang mga bagay-bagay sabi ko sa kanya.
B: Kailan ‘yung papunta pa lang?
CR:This year lang, mga April, May.
B: Ikaw nga ba ang dahilan nang pangduduro ng tatay ni Sarah Geronimo kay Rayver?
CR:Uh, siguro hindi po ‘yun ang dahilan kung bakit hindi natuloy kasi ayokong may sumama (ang loob), may mga taong masaktan. Iniiwasan lang po natin lahat ‘yun. Para lahat tayo magkakaibigan.
B: Nalaman mo na tinu-two time kayo ni Sarah ni Rayver through your common friend. Tama ba?
CR:Hindi pa naman two-time kasi hindi pa naman kami. Kumbaga, pumoporma pa lang siya. So, nu’ng nalaman ko ‘yun nagalit ako talaga.
B: Ano ang na-feel mo nu’ng lumabas ang balitang dinuro ng tatay ni Sarah si Rayver?
CR:Hindi naman natin masisisi ‘yun, ‘di ba?
B: Doon ka ba nagkaroon ng awareness na there’s something between Sarah and Rayver?
CR:Uh, nalaman ko na po kasi ‘yun bago pa lumabas. Kumbaga, bago pa lumabas ‘yung isyu before aware na kaming lahat. Tapos na sa amin. Kumbaga, ngayon pa lang nalaman ng tao, pero sa amin tapos na.
B: Bakit kailan lang magkasama kayong pumunta sa Cebu ni Rayver?
CR:Kasi we remained friends pero nothing more.
B: Bakit ka ba sumama sa Cebu?
CR:‘Yun nga, e. Nagkamali nga ako doon, e. Kasi dapat hindi pala ako sumama. Pero ako kasi ‘yung nag-insist sa kanya na magpa-lasik ng mata dahil kailangan niya. But after Cebu, uhm, nag-decide ako na totally wala na. Putulin na lahat para matigil na ‘yung isyu. Although, magsa-suffer ‘yung friendship. Pero inisip ko kung kaibigan mo naman talaga ‘yung tao kahit hindi kayo magkita’t mag-usap, ‘di ba kaibigan mo pa rin?
B: Kahit nagkaalam-alam na pala kayo noon tuloy pa rin ang communication n’yo ni Rayver?
CR:Opo, we remained friends. Kaya akala nila ipinagpalit talaga ako ni Rayver kay Sarah. Ganu’n ‘yung dating pero ang hindi nila alam na bago pa mangyari ‘yun, e, tapos na. Nalinis na namin lahat, e. Kumbaga, sa amin lang talaga ‘yun. Siguro kumalat lang. Pero para sa aming tatlo, tapos na.
B: Pero nagkarelasyon talaga kayo ni Rayver?
CR:Hindi talaga. Hindi talaga relasyon na boyfriend-girlfriend. Kumbaga, dapat papunta na doon. Malapit na pero (sabay pitik ni Cristine), nawala.
B: Ano ang nagustuhan mo kay Rayver?
CR:Ano mabait siya sa family niya. Doon kasi ako ano, e, mahina. Kapag nakita ko ‘yung mapagmahal ‘yung guy sa pamilya, madali ko siyang magustuhan.
B: Since ngayon ka lang talaga naging open sa pagsasalita tungkol kay Rayver, tatanungin ko kung totoo bang nagkatikiman kayo sa Boracay during ASAP’s summer episode?
CR:Huh? Ay, hindi. Ang pangit naman. Huwag namang ganu’n. Kasi doon lang ‘yung time na nakita ko siya sa Boracay dahil sa ASAP. Parang doon ko lang siya nakita na nakyutan ako sa kanya. Ganu’n lang. Pero after noon, pagdating sa Manila, doon lang kami nag-hangout. Hindi kami nag-hangout sa Boracay.
B: Nagkita na ba kayo ni Sarah at nagkausap?
CR:Lagi kaming nagkikita, pero ‘yung batian lang. ‘Yung tungkol kay Rayver, hindi naman kailangang pag-usapan ‘yun. Hindi naman namin kailangang pag-usapan ‘yun.
B: Handa ka na bang ma-in love ulit?
CR:Ah, Siguro ano, kapag, kung kanino man sa kanila.
B: Marami ba ang nagpaparamdam?
CR:Secret, pero taga-ABS. Basta, hindi ako in love. Confused! Hahahaha.
B: May bagong bahay at kotse ka ulit. Ano pa sa tingin mo ang kulang sa buhay mo ngayon?
CR:Inspirasyon.
Bandera, Philippine entertainment news, 081610
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.