Coleen Garcia mas nae-enjoy na ang pagiging nanay ngayong 3 years old na si Amari: ‘Motherhood is really fun’

Coleen Garcia mas nae-enjoy na ang pagiging nanay ngayong 3 years old na si Amari: 'Motherhood is really fun'

Coleen Garcia at Amari

MAS nae-enjoy na ngayon ng aktres at celebrity mom na si Coleen Garcia ang pagiging nanay sa panganay na anak nila ni Billy Crawford na si Amari.

In fairness, talagang nagpaka-hands on nanay si Coleen mula nang ipanganak si Amari kasabay ng pamamahinga niya pansamantala sa mundo ng showbiz.

Aminado ang wifey ni Billy na sa nagdaang tatlong taon matapos niyang isilang ang anak ay matindi rin ang mga challenges na hinarap niya bilang nanay.

Kamakailan ay nag-celebrate na ng kanyang 3rd birthday si Amari at masasabi nga ni Coleen na mas less stress na siya ngayon dahil hindi na mahirap alagaan ang bagets.

Para sa aktres, “motherhood is really fun” na raw kung ikukumpara noong mga unang buwan ng pag-aalaga nila kay Amari. Mas nagkakaintindihan na raw kasi sila ng kanyang anak kaya alam na niya ang mga gagawin kapag nagta-tantrums ito.

Baka Bet Mo: Coleen Garcia sa pag-aalaga kay Amari: Hindi siya ma-tantrum, ang dali-dali niyang alagaan

“It’s a lot easier now that he’s a toddler and the communication is clearer,” sey ni Coleen sa panayam ng GMA.


Aniya pa, gusto sana niyang patigilin muna ang oras dahil feeling niya ang bilis-bilis lumaki ni Amari, “I wanna hit the pause button and stay here for all my life.”

Nauna rito, nag-post ng madamdaming mensahe si Coleen at si Billy sa kanilang Instagram accounts para sa third birthday ni Amari.

Post ni Coleen, “Amari, I thank God every day for blessing us with you! You will always be our sunshine and source of joy.

“Thank you for inspiring us to see the beauty in the world, and for making our days so colorful and exciting,” aniya pa.

Issa Pressman maswerte raw dahil parehong nae-enjoy ang pagmamahal ng lalaki at babae bilang bisexual

AJ Raval wala nang paki sa mga iskandalo: Pero parang nae-enjoy ko rin po yung may mga isyu-isyu

Read more...