Jomari Yllana sa pagpapakasal kay Abby Viduya: ‘Ang sarap! OK na ako, gagarahe na ‘ko!’

Jomari Yllana sa pagpapakasal kay Abby Viduya: 'Ang sarap! OK na ako, gagarahe na 'ko!'

Abby Viduya at Jomari Yllana

SINIGURO ni Jomari Yllana na hindi maisasakripisyo ang trabaho niya bilang public servant sa pagtungo nila ni Abby Viduya sa Amerika para sa kanilang kasal.

Sa darating na November magaganap ang civil wedding ng celebrity couple sa Las Vegas chapel at tiniyak ng konsehal sa Parañaque na hindi maaapektuhan ang pagseserbisyo-publiko niya sa kanyang mga constituents.

After ng ginawa niyang marriage proposal ay tuloy na tuloy na ang pagpunta nila ni Abby sa Amerika, “Wala naman kaming preparation. Lilipad lang kami ng mabilis, ang malaking preparation yung church wedding namin sa 2024 or 2025. Yun yung big preparation.

“Kami, mag-quick getaway lang kami sa ibang bansa dahil isasabay ko siya sa Halloween. Aalis ako sa Halloween para holiday,” pahayag ni Jom sa isang interview.

Patuloy pa niya, “Kasi hindi ako puwede mawala ng Thursday, regular session namin yun. I cannot be away from work as a councilor, as a legislator hindi ako puwede mawala ng Thursdays so pupunta kami ng Halloween for a break para makaalis ako ng mabilis.


“Tuloy naman siya ng November. We’ll just fly out very quick and then church wedding kami sometime next year. Latest siguro is 2025 for a church wedding here naman in my hometown na hometown ng mommy ko at daddy ko, in Peñafrancia in Naga City, Camarines Sur,” aniya pa.

Baka Bet Mo: Jomari Yllana namanhikan na sa pamilya ni Abby Viduya: ‘#Call me old fashioned’

Sabi pa ni Jom tungkol sa pagpapakasal at pagmamahalan nila ni Abby, “Sarap! We’re very happy and blessed. We’re doing everything together. Ako okay na ako. To tell you straight, okay na ako, gagarahe na ako.

“I’m doing what I love and I’m together with the one I love. Lagi naman kaming honeymoon. Madami kaming gusto puntahan.

“Pero para naman kaming honeymoon lagi so meron kaming Holy Land, meron kaming Europe, mga ganyan. So biyahe biyahe na lang din,” dugtong pa ng aktor.

Samantala, tungkol naman sa kanyang showbiz career, “Hinahanap ko yung abs ko muna. Nawawala pa siya. Ha-hahahaha! Although I did something special. I did a project. It was my first since 2016 hindi ako tumanggap, eh.

“All the shows were asking me to join and sabi ko hindi, trabaho muna ako sa public service. Magmamatrikula lang ako so I did one special, it’s with the production of Dondon Monteverde and Erik Matti.

“Kaka-shoot ko lang mga three months ago. I’m sure they’ll be the one to announce it because it’s a franchise na special project. So sila na mag-a-announce ng title and all. I heard they’re going to announce it soon,” pagbabahagi pa ni Jomari Yllana.

Jomari hindi inaakalang makakabalikan si Abby Viduya: Never naming naisip ‘yun

Abby Viduya shookt nang biglang mag-propose si Jomari Yllana: ‘I couldn’t stop crying, you make me so happy baby…I love you for eternity’

Read more...