Monty Blencowe may hugot sa sweet photos nina Lovi at Piolo sa Italy: ‘I’m here too, you know’
By: Reggee Bonoan
- 1 year ago
Monty Blencowe, Lovi Poe at Piolo Pascual
NAALIW kami sa komento ng asawa ni Lovi Poe na si Monty Blencowe sa ipinost niyang larawan nila ni Piolo Pascual sa kanyang Instagram account kahapon.
Na-miss siguro nang husto ni Lovi ang leading man niya sa Philippine adaptation ng Korean drama series na “Flower of Evil” na ipinalabas noong 2022.
May kuhang nakahawak si Papa P sa beywang ng aktres habang nasa likod siya at isang selfie na nakanguso pareho.
Ang caption ni Lovi, “Dito lang pala kita sa Milan matatagpuan, Jacob. @piolo_pascual.”
Nagkaroon kasi ng show ang “ASAP Natin ‘To” sa Milan, Italy nitong Linggo, Setyembre 10 at sina Lovi at Coco Martin ang special guest base rin sa request ng mga tagaroon dahil sinusubaybayan nila ang programang “FPJ’s Batang Quiapo.”
Ang komento ng asawa ni Lovi, “I’m here too you know.”
Maraming netizens na sumagot sa post na ito ni Monty at maging ang kaibigan ng bagong kasal na si Garlic Garcia, ang head ng Viu dito sa Pilipinas para sa content partnerships, ay natawa sa sinabi ni Monty.
Aniya, “@montyblencowe too funny LOL I’ll hug you Papa Monty.”
Say naman ng netizen na si @itsmecriezcel, “@montyblencowe yes of course she knows that po hahahaha.”
Mukhang nagselos daw ang hubby ng aktres sabi ni @teamlovi_loves, “@montyblencowe selos yarn.”
Hirit naman ni @lynnnn.94, “Mokang my Albert at Tanggol kna akin na yan si papa p paubya mo na sya sakin.”
May mga nabasa rin kaming sana raw ang magkaroon ng season 2 ang “Flower of Evil” o kaya’y gumawa ng pelikula sina Piolo at Lovi.
Sa madaling salita maraming nagkagusto sa tambalang Piolo at Lovi pati na rin sa partnership ng aktres at Coco bilang Tanggol at Mokang sa “Batang Quiapo.”
Anyway, bigla naming naalala na baka para kay Piolo ang komento ni Monty na, “I’m here too you know”, dahil tandang-tanda namin noong makapanayam namin si Lovi sa mediacon ng pre-Valentine show nilang “Some Kind of Valentine” early this year ay nabanggit ng aktres na fan ang asawa niya ng seryeng “Flower of Evil.”
Sabi noon ni Lovi, “Fan siya (Monty) ng Flower of Evil kilig na kilig ako that day ng mag-meet sila kasi sabi ko, ‘my reel as in r-e-e-l and my real life loveteam. Sabi ko ang suwerte ko naman (parehong guwapo) tapos tumatawa lang silang dalawa. Funny silang dalawa.”
So, hindi naman pala selos ang naramdaman ni Monty sa mga larawan ng asawa at ni Papa P.
Anyway, inisa-isa namin ang mga nag-comment at wala kaming nabasa galing kina Lovi at Piolo.