Magkakasama ngayon ang tatlo with Billy Crawford bilang coach sa Kapuso reality singing competition na “The Voice Generations” hosted by GMA Primetime King Dingdong Dantes.
Unang-una, bilib na bilib siya sa talent at professionalism ni Julie Anne at lahat daw ng ginagawa nito ay “brilliant”. Sa katunayan, talagang nire-repost niya sa social media ang ilang ganap sa career ng dalaga.
“I cannot help but give her praise na, ‘tingnan mo ‘tong siraulong to galing talaga oh!’ And tawag ko nga sa kanya honor student, kasi during taping pinapakita niya talaga bakit siya professional,” ani Chito sa panayam ng “Updated with Nelson Canlas” podcast.
Inalala pa ng bokalista ng Parokya ni Edgar kung paano siya mas bumilib pa kay Julie nang may pinabago sa kinanta nito. At in fairness, mas bumongga ang banat ng aktres at singer.
“Revelation” naman para kay Chito si Stell, “Nu’ng sinabi na may kasama kami from SB19, all I knew of him was member siya, one of the five parang ganu’n.
“Tapos una nu’ng mga first meetings medyo, ‘uy karangalan ko na makasama kayo,’ ganu’n lang, the normal kid giving praises na, ‘masaya po kami na kasama dito.’
“Pero as time went by, habang nagte-taping nagpo-progress ‘yong taping, alam mo sinabi ko talaga sa kaniya, ‘Pare, ikaw ‘yong bubuhat ng show. Galing mo.’ Everything that he does is so funny or so sincere,” pagbabahagi ng asawa ni Neri Miranda about Stell.
Papuri pa niya sa member ng SB19, “Matutuwa ka how humble the guy is or how full of wisdom, wisdom na hindi matanda, e.
“Parang hindi… alam mo ‘yung nagbigay sa ‘yo ng (payo) parang such a good friend when he talk. I just find him amazing!” sey pa ni Chito patungkol kay Stell.