Hirit ni Leni Robredo sa kasal ni AJ Dee: ‘Ako yata pinakamatanda sa mga ninang, di bale, kumpare ko naman si Piolo Pascual’
DEDMA si dating Vice President Leni Robredo kung siya man ang pinakamatanda sa mga nagninang sa kasal ng aktor at model na si AJ Dee.
Ito na ang ikalawang pagpapakasal ni AJ Dee at ng kanyang Filipino-Norwegian wife na si Olga Havran. Ang una ay ang kanilang civil wedding ilang taon na ngayon ang nakararaan.
Meron na sila ngayong dalawang anak, sina Maximus James at Alexandros Jaden. Nag-migrate sila sa Norway noong 2015 at doon na nga sila muling nagsimula sa bago nilang buhay.
At nitong nagdaang araw nga ay humarap na sa altar ang mag-asawa para sa kanilang church wedding na ginanap sa National Shrine of Our Lady of Mt. Carmel sa Quezon City.
Sa Instagram story ng kapatid ni AJ na si Enchong Dee, makikita ang litrato ng dating aktor at ng asawa nito na kuha sa naganap na kasalan.
Nag-post din sa kanyang Facebook account si Leni Robredo ng mga litrato niya kasama sina AJ at Olga pati na ang iba pang ninong at ninang at mga naging abay ng bagong kasal.
Sabi ng dating bise presidente, matagal na niyang kakilala ang pamilya nina AJ at Enchong mula pa noong mga taong naninirahan silang lahat sa Naga.
Baka Bet Mo: Hugot ni Vice para sa Eleksyon 2022: Ang tagal-tagal na nating talo, ipanalo naman natin ang isa’t isa!
Puring-puri rin ni Robredo ang kabaitan ng magkakapatid na Dee at kung paano lumaking matatalino, magagalang at marespeto ang mga ito.
“The Dee brothers — AJ, Enchong and Ice — were swimmers and we have spent years as swimming parents with Sonny and Tess and would hang out by the pool with them everyday. We have seen the boys grow up into fine, young men,” simulang pahayag ni Robredo sa caption ng kanyang FB post.
“Since they moved to Manila, we seldom see each other anymore. But we have kept in touch, somehow.
View this post on Instagram
“Enchong, despite his fame, has remained very humble and has helped me in so many ways. AJ met me in Oslo last January when I visited.
“From time to time, we see Sonny and Tess in church, where they regularly serve,” pagbabahagi pa niya.
Kasunod nito, hindi napigilan ng public servant na magpaka-fan girl sa Ultimate Leading Man na si Piolo Pascual na tumayo namang ninong sa kasal ni AJ.
Hirit ni Leni Robredo, “Ako yata pinakamatanda sa mga ninang. Di bale, kumpare ko naman si Piolo Pascual (as a certified Papa P fan). Congratulations, AJ and Olga!”
Enchong Dee nagpakita ng suporta kay Leni Robredo, nakipag-reunion sa Salazar siblings
Kim Chiu naiyak sa mensahe ni Leni Robredo: Made my birthday complete!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.