Nurse na si Jane Dipika kauna-unahang ‘plus-size’ na kandidatang nagwagi bilang Miss Universe Nepal 2023

Nurse na si Jane Dipika kauna-unahang 'plus-size' na kandidatang nagwagi bilang Miss Universe Nepal 2023

Miss Universe Nepal 2023 Jane Dipika

GUMAWA ng kasaysayan ang isang nurse na siyang kinoronahang winner sa ginanap na Miss Universe Nepal 2023 nitong nagdaang weekend.

Si Jane Dipika Garrett, 22, ang nagwaging Miss Universe Nepal ngayong taon — ang kauna-unahang plus-size candidate na nakapag-uwi ng titulo at korona sa naturang national pageant.

Naganap ang grand coronation ceremony sa Godavari Sunrise Convention Center sa Nepal nitong nagdaang Sabado, September 9.

Tinalbugan ni Dipika ang mahigit 20 kandidata na rumampa sa naturang pageant. Siya ang magiging representative ng Nepal sa gaganaping Miss Universe 2023 sa El Salvador sa November 18.

Si Jane ay isang American-Nepalese na nanirahan din pansamantala sa Washington, D.C. sa Amerika. Bukod sa pagiging nurse, isa rin siyang business developer by profession.

Kilala rin siya sa Nepal bilang advocate ng body positivity, hormonal health, at mental health for women.


Hindi niya itinuturing na liability ang pagiging plus size, “As a woman who is curvy and who does not meet certain beauty standards, I’m here to represent women who are curvy, who struggle with weight gain, who struggle with hormonal issues.

Baka Bet Mo: Hugot ni Pia Wurtzbach sa 2022: Time is non-refundable, we need to use it wisely!

“I believe that there is not only one type of beauty standard but every single woman is beautiful just as she is,” sabi ni Jane sa isang panayam.

Naniniwala siyang, “beauty transcends a single template…and every woman possesses innate and unique beauty.”

Nitong nagdaang buwan, itinanghal namang Miss Universe Guatemala 2023 si Michelle Cohn, ang unang nanay na nanalo sa naturang national pageant.

Sabi ni Cohn na isang model- entrepreneur at may dalawang anak, “The universe gave me a chance, and here I am taking it wholeheartedly and eagerly.

“A little over a year ago, I would have thought this was impossible and today I am here looking to be the first mother to represent Guatemala to the universe. Here I am today, once again proving what we as women can accomplish,” aniya pa sa isang post sa Instagram.

Content Creator Nurse Even ‘binara’ ang basher ng kanyang travel pics: ‘Ang hirap mag-apply ng visa tapos pipigilan mo ‘ko?’

Ina Raymundo naging ‘instant nurse’ nang magka-COVID-19 ang pamilya, nag-share ng first-aid tips

Read more...