PROUD na proud ang social media personality na si Mikey Bustos sa kanyang latest milestone!
Paano ba naman kasi, opisyal na kinilala sa ating bansa ang isang klase ng langgam na nakita niya sa kanyang bakuran.
“Happy to share the great news! I’ve been credited for making a scientific discovery in ant science right in my own backyard! [ant emoji],” caption niya sa Facebook.
Kwento niya, “Two years ago, I found this really cool red and black ant with peach fuzz and spines on its back, that I hadn’t ever seen before.”
“After sending specimens to my myrmecologist friend Dr. Dave General, ant taxonomist from University of the Philippines Los Baños, we were both surprised to discover that the species was Meranoplus bicolor, an ant that had not yet been known to exist in the Philippines, where I live,” sey pa niya.
Baka Bet Mo: Migs Bustos papalit kay Kuya Kim sa ‘TV Patrol’; Jhong muling tatakbo bilang konsehal ng Makati
Ayon pa kay Mikey, kahit siya mismo nagulat dahil nalaman lang niya ang masayang balita habang siya ay patuloy na nagre-research kaugnay sa langgam na kanyang nakita.
“I was surprised to find out today as I was doing more research on the species, that I’ve been credited for the geographical scientific discovery of the ant, which I am now raising a colony of, for the Philippines. So cool!” chika niya sa post.
“It officially became the 555th ant species to be documented in the country…It’s amazing what one might find lurking in our own backyards, if only more people took the time to look [emojis],” proud niyang paglalahad.
Nilinaw din ni Mikey na hindi siya ang nakadiskubre ng nasabing langgam.
Paliwanag niya, wala pang record nito sa Pilipinas dahil hindi pa raw ito natatagpuan sa ating lugar hanggang sa nakakita nga siya nito sa kanyang bakuran sa Cavite.
“Just wanted to also clarify that I didn’t discover the species Meranoplus bicolor. The species was already discovered and named many years ago by someone else. But scientists had no record of it in the Philippines ever, until I found it in my yard in Cavite where I live in 2021,” pagbabahagi niya.
Kasunod niyan, ibinunyag ni Mikey na may nakolekta siyang isa pang klase ng langgam na mukhang bagong species at ito raw ay kasalukuyan nang bineberipika.
“Although I didn’t discover M. bicolor, there is another ant species I also collected from my yard that may actually be a brand new species,” paglantad niya.
Dagdag pa niya, “I am still awaiting verification but so far, according to Dr. Dave General, this new ant I caught, also from my yard, looks like nothing taxonomists have seen or recorded in our part of the world.”
“Hoping this new ant I found is a brand new species [emojis] Stay tuned! Thanks guys! Ant love forever!” ani pa niya.
Samantala, alam niyo ba na ang YouTube channel ni Mikey na “AntsChannel” ang pinakasikat niyang account na umaani ng mahigit 4.9 million subscriber, as of this writing.
Ang content niya riyan ay puro tungkol sa mga kinokolekta niya na iba’t-ibang klase ng mga langgam.
Related Chika:
Ruffa Gutierrez itinangging may alitan sila ni KaladKaren: We’re friends!