Kristine 40 na, todo pasalamat sa asawa: ‘Oyo, you are the best husband and friend I could ever ask for, I love you with all my heart’

ISANG simpleng hapunan lamang ang naganap sa pagdiriwang ni Kristine Hermosa ng kanyang ika-40 kaarawan kahapon, Setyembre 9.

Kasama ni Kristine ang asawang si Oyo Sotto at lima nilang anak plus ang kakasal niyang ate na si Kathleen Hermosa-Santos at asawa nitong si Miko Santos na taga-Cebu City.

Eversince ay hindi mahilig ang wifey ni Oyo sa magarbo o malaking party kapag ipinagdiriwang ang kanyang kaarawan maliban noong tumuntong siya ng disiotso. Ginanap ang party sa Main Lounge ng Manila Polo Club noong 2001.

Kapag natatapat naman na may trabaho si Tin noong dalaga pa siya ay nagpapameryenda o dinner lang din ito sa set.

Samantala, kaninang umaga ay nag-post si Tin ng larawan nilang pamilya na binigyan siya ng card na may nakasulat na, “happy birthday Mama, you’re the best mom ever” na mula kay Marvin Valentin o Vin at flowers naman mula kay Ondrea.

Ang caption ni Kristine, “I am and all that I have are entirely gifted by my heavenly Father…(praying hands and heart emoji).

“I am certain now that the wisest decision I made in my life was to completely obey Him.

Baka Bet Mo: Kristine: Grabe pala talaga ang sakripisyo ng mga ina kaya mas na-appreciate ko pa ang lahat ng nanay sa mundo

“I thank the Lord for constantly sustaining me by giving me such incredible human beings to be with, they kept me fueled every single time.

“Yes, I’m officially 40! (so blessed to have made it in this ever changing world) Now, I shall take my time, bask on every God given moment and continue to be like Jesus (heart and praying hands emoji).”

Ang sweet message ni Tin para sa kanyang asawa, “Oyo, you are the best husband and friend I could ever ask for. I LOVE YOU WITH ALL MY HEART.”

At siyempre ang mga anak nila ni Oyo na ipinagdiinang pantay ang pagmamahal niya sa mga ito at walang comparison sa bawa’t isa.

“To my beautiful children, you are incomparable! I LOVE ALL OF YOU ENORMOUSLY & EQUALLY,” ani Tin.

At sa pamilya at mga kaibigan, “To my family and friends, words are not enough…I LOVE YOU ALL.

“I AM AND WILL FOREVER BE GRATEFUL. Thank you, Father God for saving me and my family,” dagdag pa niyang mensahe.

Related Chika:

Kristine Hermosa ibinoto nga ba si Bongbong Marcos?

Read more...