SA kauna-unahang pagkakataon, nagpalagay na ng tattoo ang award-winning actor na si Elijah Canlas.
Ito ay bilang tribute o pagpupugay sa yumao niyang kapatid na si Jamile Matthew “JM” Canlas.
Sa Instagram, ibinandera ni Elijah ang naging disenyo ng kanyang tattoo na naka-thumbs up na parang pakpak ng anghel.
Makikita rin sa ilan pang pictures na nagpa-tattoo rin ang isa pa niyang kapatid na si Jerom, at isang pinsan.
Kalakip niyan ay ang kanyang mensahe para sa namayapang kapatid habang ikinukwento na pinayagan na silang magpa-tattoo ng ina.
“Remember when you’d always joke about wanting to get a full sleeve of tattoos, JM? Tapos sasakyan ko ‘yung pagbibiro mo kay mom until she gets pissed and tells us to not go home if we do push through with it,” caption niya.
Patuloy niya, “Guess what? Kuya Jerom and I just got tatted today. We even brought Iya with us.”
“Mom’s fine with it now. She actually wants to get one herself. Even Dad wants to get tatted now,” sey pa niya.
Dito rin chinika ni Elijah na matching tattoos ang ipinagawa nilang magkapatid bilang tanda ng kanilang pagmamahal kay JM.
“Pero siyempre tungkol sa’yo ang design. Your favorite thumbs up pose with your name enlaced on it designed by ate Zia,” sey niya sa post.
Dagdag pa niya, “Our cousins also got the same design marked on them. Matching kami lahat.”
“I want you with me forever and always. We all do,” ani pa ng aktor.
Inamin din ni Elijah na hanggang ngayon ay matinding lungkot pa rin ang kayang nadarama dahil sa pagkawala ng kanyang kapatid.
“I can’t believe it hasn’t even been a month. Thank you for being my strength. I miss you so much it hurts,” wika niya.
Lahad pa niya sa IG, “Pero kaya ito ni kuya. Kaya namin ito. We love you more than anything, JM! Habang buhay. Habambuhay.”
Magugunita noong August 3 nang sumakabilang-buhay si JM sa edad na 17.
Gaya ni Elijah ay isa ring aktor ang binata kung saan napanood siya sa mga pelikulang “Kiko Boksingero,” “ANi” at sa TV series na “Unconditional.”
Ayon kay Elijah, matinding laban ang hinarap ng kanyang kapatid kontra depression bago ito namatay.
“Alam kong marami pong tanong, marami po tayong tanong kung bakit, kung paano, kung ano. Pero gusto ko lang po ipaalam na he’s been battling with this for a while now and he fought a good fight,” pahayag ng award-winning aktor.
Dagdag niya, “Ako din po dumaan sa depresyon, nandiyan po siya para sa akin. He’s always there to make me laugh, he’s always there to cheer me up.”
“Sabi nga po ni Daddy kanina, nakilala natin siya bilang masayahin, makulit, may facade na ewan. Pero mabigat na po talaga yung kinakarga niya,” aniya pa.
Samantala, para sa lahat ng taong nangangailangan ng kausap at tulong tungkol sa mental health issues, tumawag lamang sa National Center for Mental Health Crisis Hotline: 1553, Landline (02) 7-989-8727 at cellphone number 0966-351-4518.
Related Chika: