NAGSALITA na ang aktor na si James Reid kaugnay sa viral “twinning” moment nila ng dating dyowa na si Nadine Lustre.
Kamakailan lang kasi ay naging usap-usapan sa social media ang hindi inaasahang twinning outfit ng dalawa matapos dumalo sa opening ng flagship store ng isang luxury brand na naganap sa Makati noong September 6.
Makikita sa viral video na parehong-pareho ang kulay at design ng suot nina James at Nadine na lubos na ikinatuwa ng solid JaDine fans.
Ayon kay James, hindi niya talaga napansin na nagkapareho sila ng sinusuot ni Nadine.
Nalaman lang daw niya ito nang sabihin sa kanya ng kanyang girlfriend na si Issa Pressman.
“Yes, I saw that! Actually, Issa’s the one that showed it to me. She was like, ‘Oh my god, your outfits are matching’,” chika ni James matapos ma-ambush interview sa black carpet ng Preview Ball 2023 sa Pasay City.
Kasabay niyan, nilinaw ng Careless founder na hindi naman sila ang namili ng susuotin sa nasabing event.
Baka Bet Mo: Joshua ibinandera ang ‘matching bracelets’ nila ni Bella, magdyowa na nga ba?
“But yeah, [the] clothes, they were picked out by the international Gucci team,” sambit ni James.
Patuloy niya, “And it just turns out that, you know, the outfits matched and we looked great.”
“But yeah, I just had a lot of fun at the Gucci event. I had a lot of fun with Issa, with Liza, and the rest of the Careless team…And it was great to see her [Nadine], and yeah, it was a great night,” aniya pa.
At bilang kasama naman ni James si Issa ay hindi rin siya nakaligtas na tanungin patungkol sa viral “twinning.”
Sey ni Issa, “I also didn’t notice! I only saw in the actual picture.”
Sa original group photo, makikita na ang katabi ni James ay ang aktres na si Liza Soberano, tapos naroon din sina Anne Curtis at sa kabilang dulo ay si Nadine.
Pero may ilang netizens ang nag-edit nito at ginawa nilang magkatabi sa picture ang dating mag-dyowa.
Reaksyon ni Issa, “Wala lang. I mean, clothes are clothes, right? They’re both, like, Gucci ambassadors and they both repped it well.”
“So, we’re, like, good job to the Philippines for repping Gucci so well,” ani pa niya.
Dagdag naman ni James, natatawa na lang siya kapag nakikita niya ang edited pictures.
“When I saw the pictures, it’s funny, it’s funny. The photoshop was so good I was like, ‘Did I take a photo with her like that?’,” saad ng aktor.
Bukod sa twinning outfit, nag-trending din ang naging batian nina James at Nadine sa nasabing event ng luxury brand.
Ito ‘yung lumapit si James kay Nadine upang yakapin nang saglit at para mabeso.
Dahil sa pangyayaring ito ay maraming fans ang tila nagdiwang sa social media at karamihan sa kanila ay sinasabing nandyan pa rin ang “chemistry” ng JaDine, ang tawag dati sa love team nina James at Nadine.
Magugunitang four years nang maging mag-dyowa sina Nadine at James bago kumpirmahin ang kanilang paghihiwalay noong January 2020.
Ilan lamang sa mga pinagtambalan nilang pelikula ay ang “On the Wings of Love,” “Never Not Love You,” “Till I Met You,” “Diary ng Panget,” at marami pang iba.
Sa kasalukuyan, masaya na sa kani-kanilang partner ang dalawa.
Boyfriend ngayon ni Nadine ang French-Filipino entrepreneur na si Christophe Bariou.
Habang si James ay in a relationship naman with singer-actress na si Issa.
Related Chika:
Jessy inihahanda na ang katawan para sa pagbubuntis: Sana may twins!