Dolly de Leon super fan ni Jodi Sta. Maria: Gusto ko rin siyang makatrabaho, pati si Ms. Vilma Santos at Jericho Rosales’
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Jodi Sta, Maria, Dolly de Leon at Vilma Santos
KUNG may isa pang artistang hinahangaan at nais makatrabaho ng Golden Globes nominee na si Dolly de Leon, yan ay walang iba kundi ang Kapamilya actress na si Jodi Sta. Maria.
Matagal nang bilib ang internationally-acclaimed actress sa galing ni Jodi bilang aktres at sana raw ay mabigyan din siya ng pagkakataon na makasama ito sa isang proyekto.
Sa naganap na grand mediacon ng latest offering ng Star Cinema na “A Very Good Girl” kung saan bibida sila ng Box-office Queen na si Kathryn Bernardo, natanong si Dolly kung sino pa sa mga artista ngayon ang nais niyang maka-collab.
“Alam mo kanina lang na-meet ko si Sir Carlo Katigbak (CEO ng ABS-CBN), and he asked me the same question. Yes, exact same question.
“At ang sagot ko roon ay si Jodi Sta. Maria talaga, gusto ko siya makatrabaho,” sey ng veteran actress.
“Gusto ko siya makatrabaho. Never ko po siyang nakatrabaho. I am also a fan of hers,” pag-amin pa ni Dolly.
Bukod kay Jodi, nabanggit din ng premyadong aktres ang mga pangalan nina Star For All Seasons Vilma Santos at ang isa pang award-winning Kapamilya actor na si Jericho Rosales.
“Kasi never ko pa rin sila nakakatrabaho so I would love to work with them,” aniya pa.
Samantala, showing na ang “A Very Good Girl” sa mga sinehan nationwide simula sa September 27.
* * *
Naging maswerte ang weekend ng 100 na mangangalakal nang maiuwi nila ang jackpot prize na P2,200,000 sa “Everybody, Sing!” noong nakaraang Sabado at Linggo.
Sa pre-jackpot round noong Sabado, mayroong 74 na segundo ang mga kalahok para hulaan ang 10 kanta. Nanalo sila ng P200,000 pre-jackpot prize dahil kanta ni Vice Ganda na “KaraKaraka” matapos ang paghihirap na mahulaan ito nang maraming beses. Nag-viral sa social media ang pag-uusap ng mga contestantant at ni Vice Ganda.
Sa jackpot round noong Linggo, mayroong 86 na segundo ang grupo para hulaan na naman ang 10 kanta, na nadagdagan pa ng 10 segundo pagkatapos makuha ang bonus na kanta. Nanalo sila ng P2 million jackpot prize matapos mahulaan nang tama ang “Kabataan Para Sa Kinabukasan” ni Francis Magalona.
“Itong araw na ito ay nakatadhana para maging masaya kayong lahat. Sa dinami-dami ng ginagawa niyong paghihirap, pagtitiis, at pagsasakripisyo araw-araw, deserve niyo naman ‘yung oras na nagsasaya na kayo, kumikita pa kayo,” sabi ni Vice Ganda sa mga emosyonal na mangangalakal matapos manalo ng jackpot.
Bukod sa songbayanan na ito, ang grupo ng engaged couples at Manila fire survivors pa lang ang nanalo ng P2,000,000 jackpot prize sa ikatlong season ng palabas.
Abangan ang “Everybody, Sing!”, ang Best Asian Original Game Show sa ContentAsia Awards 2023, tuwing weekend sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, TV5, iWantTFC, at TFC IPTV.