Sikat na sikat na kapamilya actress napiling kapalit ni Angel sa Darna | Bandera

Sikat na sikat na kapamilya actress napiling kapalit ni Angel sa Darna

Alex Brosas |February 02,2016
facebook
share this

Sikat na sikat na kapamilya actress napiling kapalit ni Angel sa Darna

Alex Brosas - February 02, 2016 - 02:00 AM

angel locsin

HINDI na pala si Angel Locsin ang gaganap na “Darna”. Hindi pala talaga carry ni Angel na gumawa ng stunts dahil kakaopera pa lang niya at meron pang second operation na gagawin sa kanya para tuluyan nang gumaling ang problema niya sa kanyang likod.

With this, matetengga ang project kung hihinitayin pa ang lubusan niyang paggaling, kaya matapos ang ilang linggong discussion among the executives of Star Cinema and ABS-CBN, nag-decide na silang ituloy na ang project this year without Angel Locsin.

Ang chika sa amin, may napili na raw ang network kung sino ang gaganap na Darna. Sikat na sikat ang young actress na gaganap sa iconic role. Perfect to a T ang selection sa kanya dahil siya ang pinakamagandang teen star ngayon.

Isa pa, mabait na bata ang dalaga, intelihente at may pose. Kung siya talaga ang gaganap na Darna, aba, siya na ang pinakamagandang Darna sa kasaysayan ng local showbiz.

Walang sinabi sa kanya ang huling nag-Darna sa isang network.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending