MAGSASANIB-PWERSA ang PTV4 at IBC13 para sa pagbabalik ni Willie Revillame sa mundo ng telebisyon na posibleng mangyari bago matapos ang 2023.
Hindi pa tiyak kung kailan ito mangyayari pero ang sure na sure daw ay “Wowowin” pa rin ang magiging titulo ng gagawing show ni Willie na eere daw mula Lunes hanggang Biyernes, 5 to 6:30 p.m., sa PTV-4 at IBC 13.
Hindi raw sa noontime slot ilalagay ang “Wowowin” dahil gusto rin daw ni Willie na ipalabas ito tuwing hapon bago ang mga news program ng dalawang nabanggit na TV network.
Sa naganap na presscon ng PTV4 kahapon, September 8, para sa announcement ng mga bago nilang public affairs program, kinumpirma ni Ana Puod, ang general manager ng istasyon ang pakikipagnegosasyon nila kay Willie.
Aniya, ayaw daw ni Willie ng noontime show kaya baka raw ang mangyari ay ilagay ang programa ng TV host bilang pre-programming ng primetime newscast ng PTV.
Pero paglilinaw ni Ms. Ana, patuloy pa rin ang negosasyon, “Under nego, iyon po ang operative word. It’s a tripartite discussion po with IBC 13, PTV, at saka si Willie.
“So, matagal po yung proseso. Marami pang inaayos. But all of the parties are hoping for a very positive outcome of our negotiation.
Baka Bet Mo: Willie umaming nalugi ng P140-M dahil sa ‘Wowowin’
“Yung aming pakikipag-usap po sa kanila ay guided naman po ng Presidential Commission’s office. Sila po ang nagma-manage sa mga agencies na yun,” aniya pa.
Sey pa ng PTV4 executive, “Matagal na po ito. Nag-start po kami, few months ago. Until now, we’re still discussing yung partnership o kung ano man yung magiging nature ng aming relationship.”
Natanong din siya kung paano nag-start ang pakikipag-usap nila kay Willie, “Magkakilala kami ni Willie, ABS-CBN pa, e. So, na-float yung idea nung naging GM ako last June.
“Tapos at the same time, si Jimmy Policarpio, yung presidente ng IBC, kinontak siya. So, sabi ni Willie, ‘Ana, kinakausap ako ni Jimmy Policarpio. Bakit hindi ka sumama?’” aniya.
Sina Ms. Ana at Jimmy Policarpio, Jr. ang kasama ni Willie sa litratong naka-post sa official Fagebook account ng “Wowowin” na may caption na, “HINDI NA CHISMIS! Malapit na malapit na!”
Nu’ng una raw ay medyo nag-aalinlangan si Willie sa pag-ere ng “Wowowin” sa PTV at IBC 13, sabi ni Ms. Ana, “Very skeptic siya. Kasi hindi niya kabisado kung ano yung reach nga ng PTV, kung ano ba ang kaya namin.
“So, nu’ng na-explain ko sa kanya na, ‘Excuse me, may HD channel kami saka mas marami pa kaming tower kesa sa iba.’ Saka gobyerno ito, e,” aniya pa.
Dagdag pa niya, “Hindi rin siya nagtatanong tungkol sa sahod. Hindi siya nagtatanong tungkol sa etcetera, etcetera. May part pa nu’ng deal na magugulat kayo, pumayag siya.”
Samantala, magsisimula na ang bago at pinalakas na programming ng PTV mula Lunes hanggang Biyernes: 12 noon ang daily public program na “Bagong Pilipinas Ngayon” ni Niña Corpuz; 1 p.m. ang newscast na “Sentro Balita” nina Angelique Lazo, Audrey Gorriceta at Naomi Tiburcio.
Bukod dito, nandiyan din ang morning show na “Punto Asintado Reload” tuwing 10 a.m. ni Erwin Tulfo, kasama si Aljo Bendijo; ang docu-series na “On The Ground” ni Direk Paul Soriano at ang kanyang “BBM VLOGS”, na magpapakita sa mga kaganapan sa pagseserbisyo ni Pangupong Bongbong Marcos.
Related Chika: