Mga Pinoy inaabangan na ang show ng ‘ASAP Natin ‘To’ sa Milan, Italy; Queer dating show na ‘Sparks Camp’ libre nang mapapanood sa Pinas

Mga Pinoy inaabangan na ang show ng 'ASAP Natin 'To' sa Milan, Italy; Queer dating show na 'Sparks Camp' libre nang mapapanood sa Pinas

Asap Natin ‘To in Milan, Sparks Camp

EXCITED ang mga kababayan nating Pinoy na nasa Milan, Italy para sa inaabangang show ng “ASAP Natin ‘To” sa Linggo, September 10.

Sino ba naman ang hindi mae-excite, e, nasa 30 artists ang mapapanood sa Mediolanum Forum sa Assago, Milan with 12, 700 seating capacity.

Base sa ilang kakilala naming nasa Milan ay gusto nilang makapanood ng ASAP kaso namamahalan sila sa ticket prices dahil ang pinaka-mababang presyo ay ang Bronze na nasa 39 euros o mahigit P2,300 na puwede na nilang pangkain ito sa maghapon.

Ang sumunod na presyo ay ang Silver 79 euros 0 mahigit P4,700, Gold 159 euros 0 mahigit P9,600, at ang Platinum B 169 euros o mahigit P10,000 at Platinum ay 279 euros 0 halos nasa P17,000.

“Pero maraming bumili sa bronze kasi pinag-ipunan naman nila iyon, dito kasi hindi naman lahat ng Pinoy ay may malalaki ang kita, alam mo naman ang trabaho rito, bihira lang ang nakaka-angat ang buhay,” paliwanag ng kakilala naming matagal nang doon naninirahan.

Karamihan kasi ng trabaho roon ay mga kasambahay, yaya,  tagalinis ng opisina ng mga amo at ‘yung iba ay masuwerte dahil sekretarya kapag matagal na at pinagkatiwalaan na ng kanilang mga amo.

Paliwanag namin sa aming kausap na kaya medyo mahal ang tickets ay dahil mahigit 30 performers ang inilipad ng mga organizer /producer sa Milan at hindi biro ang pamasahe ng bawa’t isa na nasa business class lahat, plus may mga entourage pa na nasa economy seats, ang accomodations at pagkain at lahat ng ito ay may per diem sa kada araw na naroon sila. Siyempre ang venue malaki rin ang bayad.

Baka Bet Mo: Mela Habijan sinagot ang mga nagrereklamo sa queer dating show na ‘Sparks Camp’: Kalma lang, pakinggan natin ang isa’t isa’

Kaya kailangang mabawi ito ng organizer o producer na pawang mga OFW na Pinoy na nagplanong dalhin ang mga sikat nating artista sa Milan para mapasaya ang kapwa Pinoy doon para makita at mapanood ng personal ang mga sikat na artista/singers ng bansa.

Sabi pa namin ay tiyak na ilang buwan o baka isang taon pa inabot ang negosasyon para mabuo ang show dahil hinanapang maluwag ang schedules ng bawa’t isa.

Aliw na aliw ang mga nakakita kina Donny Pangilinan at Belle Mariano dahil inaalok daw nilang manood ng show nila ang mga nakakasalubong nilang Pinoys doon at pumayag daw silang magpa-picture.

Marami ang nagtanong kung totoong darating sina Tanggol at Mokang dahil talagang hindi nila pinalalampas ang “FPJ’s Batang Quiapo” sa YouTube.

Hmm, kaya pala ka-join sina Coco Martin at Lovi Poe sa ASAP in Milan dahil special request sila ng mga manonood ng concert.

Naku, for sure umaandar na ang utak ni Coco na baka isang araw ay mag-shoot ang Batang Quiapo sa Milan.  Sabi naman niya noong unang presscon ng programa ay posibleng lumabas sila ng Pilipinas dahil maraming puwedeng mangyari sa kuwento ng serye nila ni Lovi.

Anyway, nakita namin sa FB account ng ASAP na nakarating na sina Tanggol at Mokang na parehong walang tulog dahil mula sa taping ng “Batang Quiapo” ay dumiretso na sila sa airport biyaheng Milan.

Coco Martin, Lovi Poe

Ang caption ng larawan ng dalawa, “Straight from Quiapo, fresh na fresh dumating ang Primetime favorites nating sina Tanggol at Mokang! Ito ang isa sa malalaking sorpresa na hatid sa inyo ng #ASAPMilan! (emojis Philippine flag/airplane/Milan flag). 2 Back-to-Back concerts na yan, habol na! BUY 3, GET 1 FREE tickets dito http.//mytfc.com/asapinmilan #RoadToASAPNatinToMilan #CountdownToASAPMilan #ASAPMILAN #ASAPMilan2023.”

Going back to ASAP Natin ‘To in Milan show ay hindi na makakasama si Vice Ganda at in-anunsyo naman ito ng programa dahil kailangan daw nitong tutukan ang “It’s Showtime” at ang “Everybody Sing” segment.

***

Siguradong kikiligin ang mga manonood ng iWantTFC dahil libre nang mapapanood sa Pilipinas ang “Sparks Camp,” ang unang queer dating reality show ng bansa.

Libreng regalo ito ng iWantTFC, ang Home of Filipino Stories, kung saan maaaring i-stream ang lahat ng episodes sa iWantTFC app (iOS at Android), website, at sa piling devices.

Tampok sa “Sparks Camp” ang sampung lalaking naghahanap ng kanilang “mutual spark” na maaaring magpatibok ng kanilang puso.

Unang nagpakilig ang mga camper noong nag-premiere ito noong Mayo kung saan tampok sa serye ang iba’t ibang masasayang challenge at romantic dates para makilala ng campers ang isa’t isa.

Kabilang sa campers ang social media influencer na si Aaron Maniego, tennis player na si Bong Gonzales, video game player na si Alex De Ungria, medical student na si Nat Magbintang, law school student na si Dan Calman, virtual assistant na si Stanley Bawalan, architect na si Karl Bautista, college student na si Justin Macapallag, student jock na si Gabe Balita, at ang business owner na si Nick De Ocampo.

Mula sa direksyon ni Ted Boborol at produksyon ng Black Sheep, kasama rin sa “Sparks Camp” si Mela Habijan, ang kauna-unahang Miss Trans Global, bilang host at “Mother Sparker.”

Bukod da android app at website, available rin ito sa standard at premium subscribers worldwide. Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU at Amazon Fire streaming devices, Android TV, piling Samsung Smart TV models, Telstra TV (available lamang sa Australia) para sa users sa labas ng Pilipinas, at VIDAA para sa piling mga bansa.

Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://bit.ly/iWantTFC_TVDevices.

Para sa updates, i-follow ang www.facebook.com/iWantTFC at @iwanttfc sa X (formerly Twitter) at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, mag-e-mail sa support@iwanttfc.com.

Related Chika:

Heart Evangelista ‘inisnab’ sina Vicki Belo at Alex Gonzaga sa Milan Fashion Week: ‘Ano ‘to Mars? Sa Manila magkakaibigan tayo!’

Alex Gonzaga dinedma-dedma ng mga photog sa Milan Fashion Week 2022: Please, please! Pansinin n’yo na ‘ko guys!

Read more...