Fans nina Vice at Ion napamura sa parusa ng MTRCB sa ‘It’s Showtime’: ‘Kumain lang ng icing…paano naman yung nagmura?!’
By: Alex Brosas
- 1 year ago
Ion Perez at Vice Ganda
PATULOY ang pagbuhos ng suporta para sa “It’s Showtime” matapos itong patawan ng 12-day suspension ng Movie and Television Review and Classification Board.
Sa latest na kaganapan, naglabas nga ng statement ang ABS-CBN regarding the issue, saying na maghahain sila ng Motion for Reconsideration sa MTRCB.
“Natanggap namin ang ruling ng MTRCB na nag-uutos na isuspinde ang ‘It’s Showtime’ sa loob ng 12 araw mula sa pinalidad ng desisyong ito.
“Kami ay maghahain ng Motion for Reconsideration dahil naniniwala kami na walang nangyaring paglabag sa anumang batas.
“Patuloy rin kaming makikipag-ugnayan sa MTRCB para makapagpatuloy ang ‘It’s Showtime’ sa paghahatid ng libangan at saya sa minamahal naming Madlang People.
“Buong puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng nagmamahal at sumusuporta sa ‘It’s Showtime.'” ‘Yan ang official statement ng ABS-CBN.
Sa X (dating Twitter), bumuhos ang suporta ng mga netizens na against sa pagpataw ng 12 day suspension ng MTRCB sa nasabing noontime show. Talagang ipinaglaban nila ang “It’s Showtime”.
Bash ang inabot ni MTRCB Chairperson Lala Sotto. There are those pa nga na nawagan ng pagre-resign nito sa kanyang puwesto.
“MTRCB reign supreme for suspending It’s Showtime over Vice Ganda and Ion Perez icing incident. Tapos yung nagmura on national TV walang suspension? Galing mo Lala Sotto bwhwhwhwhwwhwhwhw!!”
“TANG *NA PATI YUNG NIP SLIP ACCIDENT NA WALA NAMANG MAY GUSTONG MANGYARI, DINIDIIN SA IT’S SHOWTIME?? PERO YUNG PAGMUMURA, RACIST JOKE, AT MENTAL HEALTH INVALIDATION SA EAT BULAGA, WALA LANG?? NAPAKAGAGO NG MTRCB.”
“The suspension of @itsShowtimeNaproves that the MTRCB board led by Lala Sotto has no credibility, and it’s really unfair to impose this when only dirty minds would think that @vicegandakowas rude. This isn’t about the icing issue anymore; it smells like a conflict of interest.”
“Iloveyou @itsShowtimeNa. Wala na makakatibag sa inyong samahan isama nyo pa kaming madlang Pipol!! Kasama nyo kami sa hirap man o ginhawa.”
“Ang nakakalocca pala ditechiwa wala daw DUE PROCESS yung suspension ng MTRCB. Tapos yung EAT malaya silang gawin mga pagpaparinig at magmumura on live TV. Galing mo LALA SOTTO.”
“God is good! Kailangan namin mga milyon milyong Kapamilya at kapuso ang manood kada tanghali ng it’s showtime na hindi kailanman mai provide ng TV 5 tuwing tanghali dahil mas bet nila ang boring na show ng mga tvj and i thank you.”