MUKHANG “unbothered” naman ang Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda at ang iba pang hosts ng “It’s Showtime” sa suspensiyon na ipinataw sa kanila ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB.
In fairness, talagang tinutukan ng madlang pipol ang episode ng naturang noontime program ng ABS-CBN ngayong araw, September 5, upang abangan kung ano ang reaksyon ng mga host tungkol sa bagong kontrobersiyang kinasasangkutan nila.
Dahil nga sa dami ng nag-abang at nanood sa “Showtime”, mabilis na naging top trending topic sa X o dating Twitter ang #TayoAngShowtime.
In fairness, agaw-pansin ang look at OOTD ni Vice Ganda sa show kung inirampa niya ang kanyang bonggang-bonggang pink Valentino outfit.
Kasunod nito, tila may patutsada nga ang TV host-comedian sa “Rampanalo” segment ng “Showtime” sa kinakaharap nilang isyu sa MTRCB.
Habang kinakausap ni Vice ang isang babae sa audience, biglang nagpatugtog ang DJ ng kanta kung saan maririnig ang mga lyrics na “wala akong pake.”
Baka Bet Mo: ABS-CBN nanindigang walang nilabag na batas ang It’s Showtime, aapela sa MTRCB
Biglang hirit ni Vice, “Nakakatawa yung kinakausap ko siya tapos sumasagot siya tapos pinatugtugan mo ng ‘wala akong pake.’”
Napayuko si Vice habang natatawa sabay dialogue ng, “Hindi po yan ang opinion ko. Nakakatuwa…wala akong pake. Ang ganda ng song na yun, very timely.”
Viral na ngayon ang video na ito na ipinost ng isang netizen sa X na may nakalagay na caption na, “Not Vice Ganda wearing pink and then ‘Wala akong pake’ on the background. Timely and relevant! #TayoAngShowtime #ItsShowtime #LalaSotto #MTRCB.”
Base sa napanood naming episode ng “Showtime”, tila hindi naman affected ang buong production sa pagsuspinde sa “It’s Showtime” dahil sa mga nagawang violations nito.
Kahapon, naglabas ng resolusyon ang MTRCB sa mga reklamo laban sa programa nina Vice kung saan pinatawan nga ng 12-day suspension ang show na nag-ugat sa indecent act umano ng mga host sa “Isip Bata” segment noong July 25, 2023.
At dahil dito, marami ang nagalit kay MTRCB chairperson Lala Sotto-Antonio na anak ni Tito Sotto na isa sa mga host naman ng “E.A.T.” sa TV5 na kalaban ng “Showtime.” Habang isinusulat namin ang balitang ito ay wala pang sagot si Chairperson Lala hinggil sa isyu.
Related Chika:
Rendon Labador pinuna ang kulitan nina Vice Ganda at Ion Perez, nanawagan sa MTRCB
Rendon Labador inasar sina Vice Ganda at Ion Perez, nagbunyi sa 12-day suspension ng ‘It’s Showtime’