Jessica Villarubin umalma sa mga nang-ookray sa kanyang ‘pagbirit’ sa burol ni Mike Enriquez: Andun po kami para magbigay pugay

Jessica Villarubin umalma sa mga nang-ookray sa kanyang 'pagbirit' sa burol ni Mike Enriquez: Andun po kami para magbigay pugay

PINABULAANAN ng Kapuso singer na si Jessica Villarubin ang mga kumakalat na opinyon ng mga netizens ukol sa kanyang pagkanta sa lamay ni Mike Enriquez.

Base sa inilabas na ulat ng The Freeman, nilinaw ng singer na hindi niya sinapawan ang mga kasamang kumakanta.

Kasama ni Jessica sa pagkanta ng “Lead Me, Lord” sina Julie Anne San Jose, Rita Daniela, Hannah Precillas, Mariane Osabel, at Thea Astley bilang tribute sa respetadong mamamahayag.

Paliwanag ng dalaga, wala siyang nilamangan sa mga kasamahan at iginiit rin niya na pinaghandaan nila ang kanilang performance.

“Bago po kami kumanta sa funeral ni Sir Mike ay pinaghandaan po namin yun. Buong puso ko lang kinanta ang parte na binigay sa’kin,” pagbabahagi ni Jessica.

Dagdag pa niya, “Andun po kami para magbigay pugay kay Sir Mike.”

Baka Bet Mo: Power Cebuana Diva Jessica Villarubin itinanghal na The Clash 3 grand champion

Nakiusap rin siya na sana ay huwag nang bigyan ng iba pang kahulugan ang mga nangyari.

Matatandaang agad na naging viral at usap-usapan ang video na ibinahagi ng GMA Network sa kanilang social media pages dahil hindi nagustuhan ng mga netizens ang diumano’y “pagbirit” at “pananapaw” Jessica sa kanilang handog na awitin para sa yumaong mamamahayag.

Sey ng mga netizens tila hindi naman akma ang kanyang “pagbirit” lalo na at nasa lamay sila at hindi naman ito contest na may dapat i-impress.

“Ano ba yan Jessica! Ilugar ang pagbirit. Burol yan kalocca ka bwhwhwhwwh,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “ginawa ni ateng competition [crying emojis] mami there’s a right time for u to birit and not sa burol.”

Sey naman ng isa, “I was rooting for Jessica during her The Clash run pero nakaka-disappoint sya lately. Masyado syang pa-impress. Nung nag-duet din sila ni Jessica Sanchez, sinasapawan nya. tsk tsk…”

Samantala, may mga nagtanggol naman sa Kapuso singer at sinabing wala namang mali sa kanyang paraan ng pagkanta.

“the jessica villarubin hate is so unnecessary. many got so manipulated by the others saying shes wrongly overdoing it when in fact, thats her. thats her style. also, shes the lead,” sabi ng isa.

Chika naman ng isa, “dk kung may solemnity requirement sa lamay but the singers were singing within their range of comfort naman kaya hindi siya uncomfortable pakinggan? It was beautiful and heartfelt. Seeing the argument, akala ko naman nagshowdown sila sa birit. Some people have to unclench fr fr.

Related Chika:
Clash 3 champ Jessica Villarubin biktima rin ng pambu-bully: Sabi ko, ‘Lord, ganu’n ba talaga ako kapangit?’

Jessica inalala ang huling pagkakataon na nakausap nang face-to-face si Mike: ‘Mabilis siyang dumukot ng wallet… madali siyang lapitan’

Read more...