Power Cebuana Diva Jessica Villarubin itinanghal na The Clash 3 grand champion | Bandera

Power Cebuana Diva Jessica Villarubin itinanghal na The Clash 3 grand champion

Ervin Santiago - December 21, 2020 - 09:17 AM

WAGING-WAGI ang Power Cebuana Diva na si Jessica Villarubin sa ginanap na “The Clash Season 3” grand finals kagabi sa GMA 7.

Siya ang ikatlong “The Clash” grand champion matapos sina Golden Cañedo at Jeremiah Tiangco.

Isang matinding biritan showdown ang naganap sa pagitan nila ng Belter Babe ng Makati na si Jennie Gabriel sa final one-on-one clash.

Ang dalawang palabang biritera ang naglaban para sa last round ng “The Clasg” matapos matsugi ang tatlong grand finalists na sina Renz Robosa, Sheemee Buenaobra at Fritzie Magpoc.

Kinanta ni Jessica sa Final Clash, ang “Habang May Buhay” samantalang ang “All By Myself” naman ni Celine Dion ang ibinirit ni Jennie. At sa huling resulta ng bakbakan, si Jessica nga ang nagkampeon.

Matapos hiranging “The Clash Season 3” grand champion kinanta ni Jessica ang kanyang victory song na “Ako Naman” na isinulat ng isa sa The Clash Panel na si Christian Bautista.

Umabot sa P4 million ang kabuuang halaga na napanalunan ni Jessica, kabilang na ang exclusive management contract sa GMA, brand new car, P1 million in cash, at house and lot mula sa Lessandra.

Samantala, sa mismong araw ng Pasko, may handog na pasabog ang GMA para sa mga Pinoy, ang “The Clash Christmas Special: Pasko Para Sa Lahat” concert.

Ka-join dito ang Clash Masters na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, Journey Hosts Ken Chan and Rita Daniela, ang The Clash judges na sina Ai Ai delas Alas, Christian Bautista at Pops Fernandez, at mga dating kalahok ng programa gaya ng tatlong grand champions na sina Golden, Jeremiah at Jessica.

Abangan din dito ang pagbabalik ng “The Clash” judge na si Lani Misalucha na sa unang pagkakataon ay magsasalita na sa tunay na kondisyon ng kanyang kalusugan matapos ang two-month absence sa programa.

Bukod kina Golden, Jeremiah, at Jessica, may paandar din ang “The Clash’ graduates na sina Anthony Rosaldo, Nef Medina, at XOXO na binubuo nina Lyra, Riel, Mel, and Dani.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood ang “The Clash Christmas Special: Pasko Para Sa Lahat” sa Dec. 25, after “24 Oras” at bago ang inaabangan na ring finale ng seryeng “Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation)”.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending