Bea Alonzo super kinilig sa pagkikita nila ni Bretman Rock, tinawag pa siyang ‘Queen’; Dominic Roque inggit na inggit
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Pia Wurtzbach, Liza Soberano, B.I., Bretman Rock, Bea Alonzo, Bryan Boy, Nadine Lustre at Anne Curtis
INGGIT na inggit ang aktor at negosyanteng si Dominic Roque nang makita ang litratong ipinadala ng kanyang fiancée na si Bea Alonzo.
Ibinandera ng Kapuso actress sa bago niyang vlog sa YouTube ang pagkikita pagpapaka-fan girl niya sa social mediako superstar na si Bretman Rock.
Hindi napigilan ni Bea ang sarili na ipakita ang pagiging super fan nang makaharap niya up close and personal ang super favorite niyang Pinoy socmed influencer at Internet star.
Nangyari ang pagkikita nina Bea at Bretman sa ginanap na Vogue Philippines Anniversary Gala kamakailan sa Shangri-La, The Fort sa Taguig City.
Ito rin yung viral na ngayong bathroom selfie nila kasama sina Anne Curtis, Nadine Lustre, internet sensation Bryan Boy, Liza Soberano, Pia Wurtzbach at K-Pop idol na si B.I., na dating member ng grupong iKON.
Sa latest vlog entry ng Kapuso star na may titulong “Tipsy Q&A (#AskBea Late Night Edition),” ibinahagi niya kung paano nangyari ang unexpected na pagkikita nila ni Bretman.
At sa sobrang excitement nga na nararamdaman niya nu’ng sandaling yun ay talagang inimbitahan niya si Bretman sa kasal nila ni Dominic next year.
“So, ganito, may story, kagabi galing ako ng Cagayan de Oro, this was at about 1 a.m., may pumapasok sa pintuan ng Shangri-La. Pagganu’n ko (pagkakita sa kanya) sabi ni Bretman…(astang nagulat) din siya.
“Sabi ko, ‘Oh, my god! I’m such a big fan!’ Sabi niya, ‘Me, too, queen!’ ganu’n siya. Sobrang kinilig naman ako,” kuwento ng dalaga.
Pagpapatuloy ni Bea, ”Tapos, alam niya na engaged na ako. Kahit wala pang mga plano, sabi ko, ‘Can you come to my wedding?’ Sabi niya, ‘Definitely, yes!’ Kinilig naman ako!”
Sey pa ni Bea, grabe ang paghanga niya kay Bretman dahil sa good vibes na dala nito sa kanyang mga socmed content at ang pagiging proud nito bilang isang Pinoy.
“Sobrang tuwa ko sa kanya kasi ramdam na ramdam ko pa rin yung pagiging Pinoy niya,” sey ni Bea.
“In-invite pa niya ako sa bathroom selfie with sina Anne, Nadine – magkaksama kami doon sa bathroom selfie – with Bryan Boy, B.I. Parang natutuwa ako na he’s really proud to be a Filipino. I love you, Bretman!” aniya pa.
Kasunod nito, sinend daw agad ni Bea kay Dominic ang litrato nila ni Bretman, na super fan din ng socmed superstar.
Pagbabahagi pa ni Bea, “Nagpa-picture ako nang nagpa-picture sa kanya. Hindi n’yo alam, pero sobrang big fan ako ni Bretman, kaming dalawa ni Dom.
“When I sent Dom the picture, na magkasama kami ni Bretman, kasi ininggit ko siya , he’s now in London… sabi ko, ‘I just bumped into Bretman.’
“Sabi niya lang, ‘Oh my goodness!’ Never niyang ginamit yung ‘Oh my goodness.’ So, alam na alam ko na sobrang tuwang-tuwa siya at inggit na inggit siya sa akin,” aniya pa.
Joke-joke-joke pa ni Bea sa kanyang fiancé, “I guess, na-beat ko yung London trip niya by meeting Bretman Rock! Ha-hahahaha!”