Robi Domingo may update sa kondisyon ni Maiqui Pineda: Apparently the meds can affect her vision…

Robi Domingo may update sa kondisyon ni Maiqui Pineda: Apparently the meds can affect her vision…

PHOTO: Instagram/@iamrobidomingo

MAY bagong update ang TV host na si Robi Domingo kaugnay sa health condition ng kanyang soon-to-be wife na si Maiqui Pineda.

Sa Instagram, ibinandera ni Robi ang picture nilang dalawa habang nagpapa-check up sa isang ospital.

“Robi D Luffy with the captain of the heart [pirate flag emoji],” caption ni Robi dahil may takip ang isang mata ng kanyang fiancee.

Ayon pa sa TV host, nagpatingin sa mata ang kanyang bride-to-be dahil tila may epekto ang mga iniinom na gamot sa paningin niya.

Gayunpaman, tiniyak naman ng aktor na maayos naman ang lagay ni Maiqui.

“Maiqui recently had her eye check-up (because apparently the meds can affect her vision) but it’s great to know that everything is okay [folded hands emoji],” caption niya.

Baka Bet Mo: Robi nakaka-relate sa kantang ‘Gusto Ko Nang Bumitaw’ dahil sa mga hinaharap na pagsubok; sakit ni Maiqui Pineda ‘life-threatening, lethal’

Sa comment section, makikita na may ibinahaging karagdagang detalye si Maiqui at sinabi na nagkaroon lamang siya ng eye test kaya may eye patch ang isa niyang mata.

“Don’t worry, the patch was just for an eye test I had to do!! Just did a baseline vision test. We were just having fun after [laughing face emoji],” chika ng fiancee ni Robi.

Maraming kapwa-artista at bigating personalidad ang nagkomento sa pag-update ni Robi at karamihan sa kanila ay nagpahayag ng kanilang dasal para sa agarang pagpapagaling ni Maiqui.

Kabilang sa mga nag-well wishes ay sina Jolina Magdangal, Nikki Valdez, Melai Cantiveros, Arron Villaflor, Sylvia Sanchez, Lovely Abella, Martin Nievera at dating bise presidente na si Leni Robredo.

“Great to know!! Love to you Robi and Maiqui!! [heart emoji],” sey ni Nikki.

Biro naman ni Martin, “Maybe she will see how gwapo you really are now.”

Komento ni Jolina, “@maiquip_ @iamrobidomingo will always pray for you [red heart emojis].”

Kamakailan lang ay kinumpirma ni Robi na matutuloy pa rin ang kasal nila ng fiancee sa kabila ng pakikipaglaban nito sa sakit na “dermatomyositis,” isang klase ng rare autoimmune disease.

Ikinuwento pa nga ng TV host na kinausap niyang mabuti si Maiqui kung gusto nitong ipagpaliban muna ang wedding nila, ngunit hindi raw ito pumayag.

“So we talked about it and honestly, because of her condition, I was the one who told her, ‘Baka dapat i-delay natin ng konti’, kasi medyo iniisip ko na ‘yung health niya,” chika niya sa piling miyembro ng entertainment press.

Ani pa niya, “And then, siya ‘yung nagsabi na, ‘Don’t. Give me something to hope for.’ And upon hearing that siyempre iyak ako. Lalaban, lalaban tayo!”

Nabanggit din ni Robi na habang naka-focus ang kanyang soon-to-be wife sa pagpapagaling ay siya naman daw ang abala sa paghahanda ng kanilang kasal.

“Right now since she’s focus sa health niya, ako ‘yung groomzilla ngayon,” sambit niya.

Kwento pa niya, “Ako ‘yung nagha-handle ng lahat ng mga bagay. Kaya medyo nakaka-pressure, nakaka-stress.”

“But it’s the details that count eh na, ‘okay kailangan ako na bahala, relax ka na diyan’,” aniya pa.

Wala pang detalye na ibinigay si Robi pagdating sa kanilang wedding, pero tiyak daw na maka-Pilipino ang tema nila.

Related Chika:

Robi super excited na sa kasal nila ni Maiqui: ‘Nabubuo na namin kung ano ‘yung magiging perfect wedding for us’

Read more...