Luis Manzano papayag agad kung gustong mag-artista ni Baby Peanut: ‘Pero feeling ko magiging strict na stage dad ako’
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Jessy Mendiola, Luis Manzano at Baby Peanut
NAIINTINDIHAN at mas nakaka-relate na ngayon ang TV host-vlogger na si Luis Manzano sa mga kapamilya at kaibigan niyang mga tatay na rin.
Kuwento ni Luis, ibang-iba raw talaga yung feeling kapag karga-karga niya ang anak nila ni Jessy Mendiola na si Isabella Rose o Baby Peanut na isinilang noong December 28, 2022 via cesarean section.
“Totoo pala yung excited kang umuwi. Grabe yung feeling na yun, na kating-kati ka umuwi,” pahayag ng first-time dad sa panayam ng ilang members ng entertainment media sa presscon ng bago niyang game show sa PIE Channel, ang “Tamang Hinala” na ginanap last Wednesday, August 30.
Pagpapatuloy ni Luis, “Tapos, kapag kunwari may kaunting lungkot, pag-uwi ko, tulog na si Peanut. Yung gusto ko siyang laruin, katulad kahapon, pag-uwi ko, parang 10 minutes (makikipaglaro) kasi pinapatulog na.
“Sobrang saya ko even just for 10 minutes nayakap ko siya nang gising. Then again, be a realist, dati idealist ako pero ngayon realist na. You know, a man has to do what a man has to do,” aniya pa.
Tina-try din daw ni Luis na maging hands-on dad kahit pa medyo busy na uli siya sa pagtatrabaho.
“Pero may mga forte kasi na mas komportable talaga ang isang nanay. Pero I make sure na as much as possible, every milestone ni Peanut I’ll be there.
“Kaya nakakalungkot, yung unang roll ni Peanut at saka unang crawl niya na solid sa phone ko lang nakita. Hindi ko nakita (sa personal). So, I’m hoping to see more milestones of her,” paliwanag ni Luis.
In fairness, ngayon pa lang ay marami nang kumpanya na gustong kumuha kay Baby Peanut para maging endorser at commercial model. Wala naman daw problema rito, sey ni Luis, basta mapoprotektahan at maaalagaan pa rin ang kapakanan at kaligtasan ng bata.
Sa tanong kung papayagan ba nila ni Jessy ang anak na pasukin din ang mundo ng showbiz, sagot ng TV host, “I’ll let her try anything and everything. Kung gusto niyang mag-artista agad, okay lang sa akin. Pero the moment she says na, ‘Papa, ayaw ko na or gusto ko na mag-rest,’ ‘Go.’
“Hindi ko siya ipe-pressure to do anything. But at least masubukan niya para at least, at the end of the day, masabi niya na, ‘I tried it, but it wasn’t for me,'” aniya pa.
Nakikinita na ba niya ang sarili bilang stage dad kay Baby Peanut? “Alam n’yo, I’ll cross the bridge when I get there. Pero feeling ko nga magiging strict na stage dad ako. Kunwari, ang endorsement ay si Jessy at si Peanut lang, pupunta pa rin ako para magbantay.”
At sa tanong kung balak na ba nilang sundan agad si Peanut, “Pahinga muna si Jessy. Pahinga muna, pero pinag-uusapan na namin. Kumbaga, may kaunting timetable naman kaming naka-ready kapag dumating na.
“We wanna enjoy Peanut muna. I mean, for some families gusto nila tuluy-tuloy na and then, rest. Yung iba, they prefer intervals in between.
“Pero sa akin, whenever Jessy’s ready. Hindi naman kasi ako ang magdadala ng nine months, e. Kumbaga, siya talaga ang magdadala. So, whenever she’s ready then, mas mag-e-effort na kami,” paliwanag ni Luis.