Ivana Alawi kumasa sa ‘bawal umihi sa pader’ challenge, lalaking vlogger niregaluhan pa ng P50k

Ivana Alawi kumasa sa 'bawal umihi sa pader' challenge, lalaking vlogger niregaluhan pa ng P50k

Ivana Malawi at Armando

IN FAIRNESS, talagang hinanap ng Kapamilya actress na si Ivana Alawi ang kapwa niya content creator na nasa likod ng viral “bawal umihi” photo sa social media.

Na-challenge kasi ang actress-vlogger sa ipinost ng lalaking nagngangalang Armando sa kanyang Facebook account ang litrato ng kanilang pader na kung saan nakasulat ang pangalan ni Ivana.

Ang kumpletong nakasulat sa nasabing viral na bakod nina Armando ay ang babalang, “BAWAL UMIHI DITO! PERO SI IVANA ALAWI PWEDE.”

Ibinahagi naman ni Ivana ang nasabing photo sa kanyang Facebook page na may caption na, “Kaninong bakod to? Bat naman ganon?” with matching laughing face emoji.

Maraming netizens ang nagkomento sa FB post ni Ivana at halos lahat ay nagsabing sana raw ay magkita sina Armando at Ivana. Hinamon din nila ang dalaga na kumasa sa “pa-ihi challenge” ni Armando.


Kaya naman kahapon, September 2, inilabas ni Ivana ang latest vlog niya sa YouTube kung saan mapapanood ang  pagkikita nila ni Armando.

Kuwento ng content creator kay Ivana, dalawang taon na raw ang nakalilipas nang ipagawa ang nasabing bakod at ito raw ang naisipan niyang maging daan para magetsing ang atensyon ng sexy actress.

Alam daw kasi niyang mahirap makuha ang pansin ni Ivana, “Maraming nag-a-I love you kay Ivana Alawi, maraming nagha-hi, marami. Ang dami. Generic na.”

Baka Bet Mo: Ivana never inisip ang malaking kikitain nang magsimula bilang vlogger, payo sa mga content creator: ‘It shouldn’t be about money’

Kaya dream come true raw para sa kanya ang makita up close and personal ang dalaga. Hindi raw niya ine-expect ang aktres pa talaga ang naghanap sa kanya para maka-collab sa kanyang YouTube channel.

Pero kahit siya lang ang pinapayagan ni Armando na umihi sa kanilang pader, hindi pa rin naman doon dyiminggel si Ivana dahil nagdala siya roon ng sariling portalet.

Bukod sa personal na pagdalaw ni Ivana kay Armando, mas naging super happy pa ang lalaking content creator dahil niregaluhan pa siya nito ng  ang P50,000.


Sa bandang ending ng vlog, nagpa-picture pa ang dalawa nang nakaharap sa trending pader na tila sabay umiihi.

Narito naman ang ilan sa mga reaksyon ng FB followers ni Ivana sa pagkikita nila ni Armando.

“In fairness Kuya.. ang ganda ng attitude mo…may resemblance sya Tado.”

“Mam Ivana punta din kayo dito sa Cavite, ihiian nyo poh kama nmin. sarap nman sa felling kuya sir armando natupad ang nkatakda sa pader.”

“Wow! Ang bait talaga ni Ms Ivana Alawi. God bless you more and Kuya also.”

“Napakabusilak talaga ng puso mo maam ivana. God Bless you with Good health.”

“Sabi ko nga sayo idol. Punta ka dito sa Geelong, Victoria, Australia. May ni ready din ako sayo na ihian mo.”

“Ang galing ang lupett tapos comedian din si armando i like it congratd po at napansin layu ng nag iisang reyna Ivana Alawi.”

“Ang galing mu maam idol ivana.. ang layo ha pero pinuntahan nio talaga po. hehehe nakakatuwa ung effort nio. basta po pahalagahan lang talaga kahit mga simple at maliliit na bagay bubukal ang biyaya sa iyo in return.”

Samantala, muli namang mapapanood si Ivana sa telebisyon dahil isa siya sa mga big stars ng ABS-CBN na makakasama sa bagong season ng “FPJ’s Batang Quiapo” na pinagbibidahan nina Coco Martin at Lovi Poe.

Ivana: Kung may nilabag akong batas, eh di kasuhan na lang nila pero lalaban ako

Ivana walang kalandiang dyowa: Hindi ako naghahanap, hindi rin ako nagmamadali

Read more...