Rendon Labador nanganganib ring mabura ang Facebook account, sigaw ng netizens: Stay motivated!

Rendon Labador nanganganib ring mabura ang Facebook account, sigaw ng netizens: Stay motivated!
MUKHANG pati ang Facebook account ng social media personality na si Rendon Labador ay nanganganib na mabura.

Matatandaang kamakailan lang nang ianunsyo niya ang pagkaka-permanently ban niya sa social media platform na TikTok.

“Bakit kung kailan binoboses ko ang mga taong walang kakayanan ipaglaban yung mga sarili nila doon naman ako na banned? Dami daming kabastusan at kahayupan sa TikTok ay okay lang?” saad ni Rendon.

Kasunod nito ay ang pagbabahagi niya na “at risk” ang kanyang Facebook account sa isa sa kanyang mga Instagram stories.

Kalakip ng post ni Rendon ang screenshot na may warning na “Page at risk” at “Your Page is at risk of being unpublished because messages sent by your Page violate our Community Standards.”

“Your page is restricted because it didn’t follow Community Standards. We know we’re not always right, so if you think we got it wrong you can disagree with our decision and in some cases get the restriction removed,” ayon pa sa screenshot.

“Meta gusto mo din i-delete ako sa Facebook? Ano yan, pinag tutulungan ninyo ako ni TikTok?” sey ni Rendon.

Bago ito ay nagpasaring pa siya sa iba pang social media platforms gaya ng YouTube at Instagram.

Baka Bet Mo: Rendon Labador sa pagkakabura ng kanyang TikTok account: Bakit ang daming masaya?

 

“baka gusto ninyo nadin sundan ang pag delete ng lahat ng socmed accounts ko?” hirit pa ni Rendon.

Samantala, umapela naman ang self-proclaimed motivational speaker sa TikTok na ibalik ang kanyang account.

“Kailangan ko pa bang sumayaw ng nakahubad para lang ibalik ni tiktok ang account ko?” sabi nito sa kanyang Instagram story.

Ngunit sa kabila ng magkasunod na apela ni Rendon sa TikTok ay na-reject pa rin siya.

“TIKTOK AYAW NINYONG MARINIG ANG KATOTOHANAN???Pag hindi ako nakabalik sa tiktok, magiging habang buhay na tanga ang mga users ninyo.

“TikTok Philippines Pangalawang “APPEAL” rejected parin? Ano ang masasabi ninyo sa desisyon ng tiktok? TAMA BA O MALI??? #stayMotivated,” sabi pa ni Rendon.

Umani naman ng iba’t ibang reaksyon mula sa madlang pipol ang post ni Rendon.

“Congrats.. baka minsan check mo ang sarili mo.. medyo iba na yung paniniwala sa sa sarili mo.. wala bang nag papayo sayo.. ask your family sure sila makakasagot sa tanung mo,” comment ng isang netizen.

Sabi pa ng isa, “stay motivated puu Mr. Rendon.”

“Para Walang gulo umalis ka sa pilipinas,” sey naman ng isa.

Related Chika:
Rendon Labador na-shock, burado na ang TikTok account

Rendon Labador may patutsada kay Herlene Budol: Utak muna bago retoke

Read more...