Rendon Labador na-shock, burado na ang TikTok account | Bandera

Rendon Labador na-shock, burado na ang TikTok account

Therese Arceo |August 29,2023
facebook
share this

Rendon Labador na-shock, burado na ang TikTok account

Therese Arceo - August 29, 2023 - 05:25 PM

Rendon Labador na-shock, burado na ang TikTok account

HINDI inaasahan ng social media personality na si Rendon Labador ang pagkakawala ng kanyang TikTok account.

Base sa ibinahagi niyang screenshot sa kanyang Instagram stories, binura mismo ng TikTok Philippines ang kanyang account.

“TikTok Philippines deleted my account,” saad ni Rendon.

Kinuwestiyon rin ng personalidad ang desisyon na burahin ang kanyang account sa gitna ng kanyang diumano’y pagiging “boses” ng mga taong hindi kayang magsalita para sa kanilang mga sarili.

Sey ni Rendon, “Bakit kung kailan binoboses ko ang mga taong walang kakayanan ipaglaban yung mga sarili nila doon naman ako na banned?”

“Dami daming kabastusan at kahayupan sa TikTok ay okay lang???” dagdag pa niya.

Baka Bet Mo: Rendon Labador hinamon ng suntukan si Ion Perez: ‘Oo, gusto kita! Gusto kong basagin yang pagmumukha mo!’

Ipinakita rin niya ang screenshot mula sa TikTok ukol sa tunay na nangyari sa kanyang account.

“Your account was permanently banned because of multiple policy violations,” saad sa pop out message ng TikTok ukol sa nangyari sa account ni Rendon.

Hindi na rin niya ibinahagi kung ano ang “multiple policy violations” na nilabag ng social media personality.

Marami naman sa mga netizens ang tila nagbunyi sa pagkakawala ng TikTok account ni Rendon.

“Buti nga. Sana next Facebook at Instagram naman,” sabi ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Baka sa susunod ikaw na mawala Rendon kapag hindi ka nagtino.”

“Gulatin mo ‘yung mga walang bilib sa ‘yo, ikaw naman ang mawala. Charing!” sey naman ng isa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Rendon Labador walang takot, pati si Tito Sen tinalakan; gusto ring paimbestigahan ang ‘E.A.T.’ sa TV5

Rendon Labador ipinagtanggol si Vice: ‘Kayong mga tao ‘di porket bumili kayo ng ticket sa isang show, eh, parang nabili n’yo na ang mga artist’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending