Rendon Labador sa pagkakabura ng kanyang TikTok account: Bakit ang daming masaya?
HANGGANG ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang social media personality na si Rendon Labador sa pagkakawala ng kanyang TikTok account.
Matatandaang una na niyang ibinahagi ang pagkakabura ng kanyang account noong Martes, August 29.
Saad ni Rendon, “Bakit kung kailan binoboses ko ang mga taong walang kakayanan ipaglaban yung mga sarili nila doon naman ako na banned?”
“Dami daming kabastusan at kahayupan sa TikTok ay okay lang???” dagdag pa niya.
At nitong Miyerkules naman ay ibinahagi naman ni Rendon sa Facebook ang mga screenshot ng pagkaka-“permanently banned” ng kanyang TikTok account.
“Mali ba ang pag boboses para sa bayan at i-expose ang mga katangahan ng mga tao?Pero yung mga content at tiktok account na puro kabastusan at kahayupan ay hinahayaan ninyo?” saad ng social media personality.
Mukha rin naimbyerna si Rendon matapos makitang marami sa mga netizens ang masaya matapos niyang ibahagi ang pagkakabura ng kanyang account sa TikTok.
“Bakit ang daming masaya? Kung may sama kayo ng loob saakin, paki sabi lang agad,” sey pa niya.
Baka Bet Mo: Rendon Labador na-shock, burado na ang TikTok account
View this post on Instagram
Agad namang nagbigay ng komento at payo ang mga netizens kay Rendon at pinagsabihan rin itong huwag nang masyadong tumalak sa social media.
“Dapat kasi nag focus kanalang sa motivational rice mo hindi yung pinakiki alaman mo yung buhay ng ibang tao,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “Rendon Labador deserved mo Yan .di ka Naman talaga nakaka inspired sa totoo lang.masyado ka lang Kasi papansin sa socmed.”
“Rendon Labador Mare masyado ka kasing maputak. Dinaig mo pa ang manok na kaka pangitlog palang. pwedi ka sa palengke mare.. pero mas pabor siguro ang lahat kung sa pluto ka nlang mapadpad,” sey naman ng isa.
Matapos ang pagkakabura ng kanyang TikTok account ay may patutsada naman ito sa iba pang social media platforms gaya ng Instagram at YouTube.
Ani Rendon, baka raw nahihiya pa ang dalawang platform na tanggalan siya ng account.
“Baka Instagram at YouTube nahihiya pa kayo? Baka gusto ninyo nadin sundan ang pag delete ng lahat ng socmed accounts ko?”
“Grabe dito sa ‘Pinas! Ayaw ninyong magising ang mga Pilipino sa katotohanan. Hindi pa nga ako nakatutok sa inyo natatakot na agad kayo?” sey pa ni Rendon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.