NAGBIGAY ng latest update ang Queen of All Media na si Kris Aquino ukol sa lagay ng kanyang kalusugan.
Sa isa sa kanyang mga Instagram stories nitong Biyernes, September 1, kasabay ng pagputol niya ng komunikasyon nila ng kanyang ex-boyfriend na si Batangas Vice Governor Mark Leviste ay inamin niyang malaki ang paghanga niya sa mga taong sumasailalim sa pagke-chemotherapy.
“[Was] I asking for too much when I asked for our relationship to stay private? Mahirap ang pinagdadaanan ko- i don’t wish this on anybody,” panimula ni Kris.
Pagpapatuloy pa niya, “It’s 11 PM here, Thursday night, Tuesday afternoon my dosage for methotrexate (my chemotherapy medication being used as an immunosuppressant to help treat my 3 life threatening autoimmune disorders) was increased.”
Inamin ni Kris na hindi rin siya masyadong makatulog dahil sa “sobrang sakit” ng kanyang buong katawan na umaabot hanggang sa kanyang mga buto.
“I’ve barely slept since then because SOBRANG SAKIT ng buong katawan hanggang sa buto na mismo. I try not to cry in front kuya and Bimb BUT I couldn’t stop my tears,” sey pa ni Tetay.
Baka Bet Mo: Kris Aquino tinapos na ang komunikasyon sa pagitan nila ni Mark Leviste: People really do grow apart
Bukod pa rito, pinuri ni Kris ang mga kapwa niya sumasailalim sa chemotherapy dahil sa lakas at tapang ng mga ito.
“To all who are undergoing chemotherapy now- bilib na bilib ako sa tapang nyo.
Sa mga naka-graduate and okay na ngayon, YOU ARE MY INSPIRATION,” sabi pa ng Queen of All Media.
Ibinahagi rin ni Kris ang dahilan kung bakit natapos na ang relasyon nila ni Mark na may kinalaman rin sa kanyang kalusugan.
“Nagising ako sa katotohanan na kung talagang minahal ako, at alam na sumuko na ko sa LDR, bakit hindi kinayang ibigay yung katahimikan na kailangan ko for my emotional wellness, lessened anxiety, and my chance for a peaceful healing journey?” lahad nito.
Matatandaang ang huling update ni Kris ukol sa kanyang kalusugan ay noong August 10 pa.
“Yes, matapang na ko sa halos lahat ng kailangan pagdaanan at mataas ang pain tolerance ko. It’s the AFTERMATH, 72 hours feeling kagaya nung bigat after a Covid vaccine but x3. Yes, parang 3X akong na Pfizer or Moderna. This will be every other week, optimistically for me to reach “remission” over the next 10 to 12 months,” bahagi ng update niya.
Related Chika:
Ogie Alcasid binisita sina Kris Aquino, Josh, Bimby sa US: ‘I’m happy that I was able to pray with you…’
Doc Willie Ong biktima rin ng fake ad, umalma kay Kris Aquino: I hope you can clarify this