SINABIHAN na ni Kris Aquino ang kanyang dating karelasyon na si Batangas Vice Governor Mark Leviste na huminto na sa pagpapadala ng mensahe sa kanya.
Base sa sunud-sunod na Instagram stories ngayong araw, September 1, ibinandera ng Queen of All Media ang tatlong screenshots ng kanyang mga mensahe sa bise gobernador ng Batangas.
Ani Kris, ang naturang mga mensahe ay ang kanyang “truth” ukol sa relasyon nilang dalawa.
Tinanong nga niya si Mark kung hindi ba ito napapagod dahil ilang linggo na niyang hindi sinasagot ang mga messages na ipinapadala nito.
“Marc, aren’t you tired of the unanswered messages? It took me 2 weeks and a half to feel that I no longer really feel the need to keep communication lines open with you, saad ni Kris.
Pagpapatuloy pa niya, “Whatever is going on in my life or in yours, parang nawala na the desire for me to know what’s happening with you or for me to keep you informed.”
Samantala, sa ikalawang screenshot naman ay sinabi ni Kris na walang nag-impluwensiya sa kanyang mga desisyon.
Bumalik na rin daw ang kanyang hilig sa pagbabasa ng mga libro.
“I haven’t been influenced by anyone – It’s just that I’ve fallen back to my pattern of reading a new book every 2-3 days, reading NYT, and the magazines I like, and coping with the hardships my body must endure,” lahad ni Kris.
Sa ikatlong screenshot naman ay ibinahagi ni Tetay na nais niyang maging “polite” lalo na’t mahirap ang sitwasyon nila dahil sa milya-milyang layo nila sa isa’t isa.
“I want to remain polite, but this is really what happens when we are so far from each other – people really do grow apart,” ani Kris.
Bukod pa rito, nagpasalamat naman siya sa pangungumusta ni Mark sa kanya pero mas nais niyang huwag na itong gawin ng dating karelasyon.
“Thank you for keeping in touch BUT I’d really prefer if you don’t. It’s really a lot more peaceful now. And that’s always been my prayer. Serenity & peace,” sey ni Kris.
Makikita rin ang text na “The End” sa naturang screenshot.
Nag-reply naman si Mark sa kanyang mensahe ngunit hindi na ito pinakita ni Kris.
“I don’t know exactly how to respond to your message but in my heart and in my head, I…” putol na mensahe ng bise gobernador.
Sunod na mensahe ni Kris, “[Was] I asking for too much when I asked for our relationship to stay private? Mahirap ang pinagdadaanan ko- i don’t wish this on anybody…
“It’s 11 PM here, Thursday night, Tuesday afternoon my dosage for methotrexate (my chemotherapy medication being used as an immunosuppressant to help treat my 3 life threatening autoimmune disorders) was increased.”
Hindi rin masyadong makatulog si Kris dahil sa “sobrang sakit” ng kanyang buong katawan na umaabot hanggang sa kanyang mga buto.
Dagdag pa niya, pilit niyang sinusubukang huwag maiyak sa harap ng kanyang mga anak ngunit hindi niya ito maiwasan.
“To all who are undergoing chemotherapy now- bilib na bilib ako sa tapang nyo. Sa mga naka-graduate and okay na ngayon, YOU ARE MY INSPIRATION,” sabi pa ni Kris.
Humingi rin ito ng paumanhin dahil nais niyang maging “private” ukol rito.
“I never posted details… ang problema, nagising ako sa katotohanan na kung talagang minahal ako, at alam na sumuko na ko sa LDR, bakit hindi kinayang ibigay yung katahimikan na kailangan ko for my emotional wellness, lessened anxiety, and my chance for a peaceful healing journey?” hirit pa ni Kris.
Matatandaang noong June 2023 nang unang aminin ni Mark ang kanilang relasyon.
Makalipas ng ilang linggo ay sinabi naman ni Kris noong July 2023 na hiwalay na sila.
Related Chika:
Kris unti-unti nang bumubuti ang kalusugan, hindi na sobrang payat; Mark Leviste naglabas ng ‘ebidensiya’