Maggie Wilson inamin kung bakit nawala sa Instagram ng ilang araw, miss na miss na ang anak

Maggie Wilson inamin kung bakit nawala sa Instagram ng ilang araw, miss na miss na ang anak
ILANG araw nawala ang Instagram account ni Maggie Wilson na inakala ng lahat ay na-hack ngunit hindi pala.

Nagpahinga lang siya dahil sa pinagdadaanan niya sa araw-araw na hindi niya kapiling ang nag-iisang anak na si Connor, 11 years old.

Si Maggie ang estranged wife ng negosyanteng si Victor Consunji na may-ari ng Victor Consunji Development Corporation. Nasa pangangalaga nito ang anak nilang si Connor dito sa Pilipinas.

Ibinahagi ng dating beauty queen sa IG stories niya ang audio ng ilang segundong pag-uusap nila ng anak niyang si Connor na umiiyak.

Tinig ni Connor, “That’s what I dream of every night….waiting at the airport for you.”

Ito ang dahilan ni Maggie kaya nawala ang IG account niya, “This is why I’ve been quiet. That was just 6 seconds of many long conversations that are unbearable to listen to.”

At dito nabanggit ng entrepreneur na walang child protection ang Pilipinas.

“We have NO child protection services or laws on parental abduction in the Philippines. Something has to change,” sey ni Maggie.

Matatandaang hindi makabalik ng bansa ang estranged wife ni Victor dahil sa nakaumang na umano’y warrant of arrest dahil sa inihaing adultery case ng negosyante sa business partner nilang si Tim Connor na kasama ngayon ng dating beauty queen sa ibang bansa.

Baka Bet Mo: Hirit ni Maggie Wilson matapos tawaging ‘fugitive’ ng nakahiwalay na asawa: ‘I’m permanent and you can’t erase me’

Bukod dito ay pinagbawalan din siya ng estranged husband na makapiling ang anak nilang si Connor at kung magkakausap sila ay parating patago.

Kaya maririnig na umiiyak ang bata sa audio na ibinahagi niya sa IG stories dahil mahigit dalawang taon na silang hindi nagkikitang mag-ina.

Samantala, may mga nabasa kaming komento mula sa netizens sa isang showbiz website na baka puwedeng i-consider ito ni Maggie by posting his son’s voice.

“Give privacy naman sa minor. Why need to post such.”

Isa pang netizen ang nagsabing, “Nagpaalam ba siya sa anak niya na ipaparinig niya sa publiko ang conversation nila o ang sinabi ng anak niya? May Data Privacy Act tayo dito at kailangan pinoprotektahan natin ang mga pag-uusap lalo na pa kung minor.

“Any personal information controller or personal information processor or any of its officials, employees or agents, who discloses to a third party sensitive personal information not covered by the immediately preceding section without the consent of the data subject, shall be subject to imprisonment ranging from three (3) years to five (5) years and a fine of not less than Five hundred thousand pesos (Php500,000.00) but not more than Two million pesos (Php2,000,000.00).”

Komento naman ng ibang naawa sa kalagayan ng mag-ina, “Kawawa naman ang bata. Sana magising na ang tatay para maging okay na, ang bata ang kawawa .. ramdam din kita Maggie. Sana darating ang time maging okay na kayo na mag ina at magkita na .. question lang. Di ba Siya pwedi pumunta Kay Sir Raffy (Tulfo)? Para ma sun0d ang due process and kahit paan0 Makita nya anak nya??

Naniniwala naman ang iba pagdating ng tamang edad ng anak, “Connor I hope pag malaki na sya or adult sya na ang bahala sa mama nya and he will protect her mom and make a way para maayos yun ay kung tumagal ang issues.”

Opinyon naman ng isa pang nakasubaybay sa kaso nina Maggie at Victor.

“If only Maggie thought about the after effect of her leaving her son behind to be with Tim. Sana she should have sacrificed her pride for her son’s sake or sana sinama nya na lang si Connor anyway minor pa so, she has all the right na kunin anak nya.”

Anyway, bukas ang BANDERA sa panig ni Ginoong Victor Consunji tungkol sa latest post ng ina ng kanyang anak na si Connor.

Related Chika:
Maggie Wilson may matapang na banat kay Victor Consunji matapos makita ang litrato nito na may kasamang baby: ‘Still not annulled…’

Maggie Wilson hindi mag-isa sa laban, promise ni Tim Connor: We got this!

Read more...