SUPER proud at very supportive ang aktres na si Liza Soberano sa sunod-sunod na proyekto ng kanyang boyfriend na aktor na si Enrique Gil.
Ito ang inihayag mismo ni Liza matapos siyang makapanayam ng ABS-CBN sa isang event ng sikat na fashion magazine.
Para sa aktres, super happy siyang makita na nagbabalik-pelikula na ang kanyang partner at dating loveteam.
“I’m really happy to see him, like, kind of flourishing,” sey niya sa nangyaring ambush interview.
Dagdag pa niya, “The project he is working on right now is something he is producing himself so I’m really proud of him for that and very supportive.”
Baka Bet Mo: Enrique Gil sinubukan pang i-save ang relasyon nila ni Liza Soberano, pero…
Magugunitang makalipas ang tatlong taong pagpapahinga sa showbiz industry ay kaliwa’t-kanang mga proyekto ang nakukuhang offer ni Enrique.
Isa na riyan ang comedy film na pinamagatang “I am not Big Bird” na kasalukuyang isinasagawa ang taping sa Thailand.
Bukod diyan ay may isa pa siyang comedy film na gagawin naman sa Finland, at isang teleserye with ABS-CBN na siya mismo ang naghain ng konsepto.
Samantala, nang tanungin naman si Liza kung nagkikita or nagsasama pa ba sila ng aktor.
Ang sagot niya, “Yes! Every once in a while.”
Ang rason daw, super busy sila sa kani-kanilang karera at madalas ay hindi sila nagkakatagpo dahil sa mga lokasyon ng kanilang trabaho.
“Occasionally mostly because we’re both, like, constantly flying,” saad ng aktres.
Paliwanag pa niya, “Like, I’ve been in the [United] States for a while and then I came back, and he’s been flying. So it’s very seldom now. But we do [meet], we still do.”
Kung maaalala, nauna nang nilinaw ni Enrique ang kumakalat na chika na hiwalay na sila ni Liza.
“We’re good. We’re good,” sey ng aktor sa current relationship status with Liza.
Chika pa niya, “You know I’m busy with all my projects. She is busy with all her projects naman. She is focusing more on international work which is super super good for her.
Nauna ring tiniyak ng aktor na kahit busy sila pareho ng aktres ay all-out support naman ang natatanggap nila mula sa isa’t-isa.
“You know kahit super busy kami we still support each other no matter what. Yeah! super happy for her, super happy for me too,” ani ni Enrique.
Related Chika: