Lolit Solis naalala ang pagiging matulungin ni Kris Aquino: Sana gumaling na siya

Lolit Solis naalala ang pagiging matulungin ni Kris Aquino: Sana gumaling na siya

HINDI maiwasang maalala ng talent manager at kolumnistang si Lolit Solis ang kaibigang si Kris Aquino lalo na ngayong binabagyo ang bansa.

Sa kanyang Instagram page ay ibinahagi niya ang mga senaryo na pwedeng mangyari kung sakaling nasa bansa ang Queen of All Media.

“Naisip ko si Kris Aquino now, Salve. Kasi nga sana naman gumaling na siya sa kanyang mga iniindang sakit sa katawan,” umpisa ni Lolit.

Pagpapatuloy niya, “Sure ako na kung nandito si Kris Aquino katulong siya ni Mark Leviste sa pagtulong sa mga apektadong binaha dahil sa sunod sunod na ulan.”

Isa pa sa mga highlight ng post ni Lolit ay ang pagiging “compassionate” ng bunsong Aquino sa mga tao.

“Kahit kasi ano pa sabihin, napaka compassionate ni Kris sa mga tao na nakikita niya na naghihirap,” saad ng kolumnista.

Baka Bet Mo: Lolit Solis botong-boto kina Kris Aquino at Mark Leviste: Sana ito na ang matagal niyang hinihintay

 

“Kahit nuon pa bukas palad siya tumulong basta alam niya na kailangan niya tulungan,” pagpapatuloy pa ni Lolit.

Chika pa niya, magandang kombinasyon rin daw sila ng Batangas Vice Governor Mark Leviste dahil paniguradong marami silang matutulungan nang magkasama.

“Sana nga ay nagbalik ganda na ang relasyon nilang dalawa. Gusto ko makita uli ang smile sa mukha ni Kris pag in love siya,” sey ni Lolit.

Dagdag pa niya, “At kung ang magbabalik ng smile na ion ay si Mark, why not. Maganda ang kumbinasyon, kaya sana nga ay maging maganda an ending. Kris Aquino Leviste, bagay di bah! Bongga.”

Related Chika:
Kris Aquino nagbigay ng business class ticket kay Bambbi Fuentes para mapuntahan ang yumaong ina sa US, puring-puri ni Lolit Solis

Lolit Solis handang makipagpatayan para sa mga alaga, may pakiusap sa bashers ni Paolo Contis: Huwag na natin gawin kumplikado pa ang buhay niya

Read more...