Bugoy Cariño, EJ Laure, Scarlet at Belle Mariano
UMAASA at ipinagdarasal ng dating child star na si Bugoy Cariño na sana’y mabigyan siya ng second chance sa pagbabalik niya sa mundo ng showbiz.
Nakachikahan namin si Bugoy at ng ilang members ng entertainment media sa presscon ng comeback project niya kahapon, ang pelikulang “Huling Sayaw” kung saan makakasama niya si Belle Mariano.
Sabi ni Bugoy, super proud siya sa kanilang pelikula na idinirek ni Errol Ropero mula sa Camerrol Entertainment Productions, kung saan muli niyang naipakita ang kanyang talento sa pag-arte at paghataw sa dance floor.
At ang tanging wish niya these days, sana’y magtuluy-tuloy na ang pagbabalik ng kanyang career sa showbiz dahil super na-miss na rin niya ang pagiging aktor at dancer.
In fairness, isa naman talaga sa mga promising youngstars noon ng ABS-CBN si Bugoy na nagsimula sa “Goin’ Bulilit” kung saan nakasabayan niya sina Belle, Zaijan Jaranilla, Xyriel Manabat at iba pang pambatong teen stars ng Kapamilya Network.
Ngunit sabi nga ng aktor at young celebrity dad, aminado siya na may mga naging desisyon siya noon sa buhay na dulot ng kanyang kapusukan. Alam naman ng lahat na nagkaanak ang aktor sa edad na 16 sa volleyball player na si EJ Laure — si Scarlet.
Nangyari ito sa kasagsagan ng kanyang career at ayon kay Bugoy, talagang nakaramdam siya ng panghihinayang noong una.
“Nu’ng time na iyon, iyon iyong peak ng career ko tapos nawala. Sobrang panghihinayang po. Sabi ko nga, siguro kaya ito binibigay sa akin ni Lord kasi kaya ko itong pagdaanan,” sabi ni Bugoy.
Baka Bet Mo: Bugoy Drilon umamin: Sa mga relationships ko, ako yung naghahabol…so ngayon I’ll just go with the flow
Dahil sa mga nangyari, maraming opportunities ang nawala, “Totoo naman po kasi nagkaisyu po noon na nakabuntis ako. Maraming na-reject na project.
“Maraming natanggal, mga natanggal na raket na iyong career ko naging bad. Pero ngayon naman po, bumabawi tayo,” sabi pa ng batang ama.
Super happy daw siya ngayon dahil muli niyang maipakikita sa madlang pipol ang kanyang talent sa pagsasayaw, “Kasi ako po, bata pa lang ako natuto na akong sumayaw.
“Tapos, malaking tulong din po na naging miyembro ako ng Hashtags, so doon po nabuo iyong samahan namin nina Kuya Zeus (Collins), Kuya Nikko (Nativida) at iyong iba pa po,” sabi pa ni Bugoy.
Nagpasalamat din si Bugoy sa mga artistang pumayag na makasama sa pelikula nila ni Belle na “Huling Sayaw” tulad nina Rob Sy, Ramon Christopher, Christian Vasquez, Emilio Garcia, Jeffrey Santos, Jao Mapa, Mark Herras, Zeus Collins at Mickey Ferriols.
Showing na sa mga sinehan nationwide simula sa September 13 ang “Huling Sayaw” produced and directed by Errol Ropero, with Executive Producers Ronald Allan Guinto, Michael Endaya, Hon. Melvin Vergara Vidal, and Hon. Amado Carlos Bolilia IV.
Kilalang aktres may ‘panghihinayang’, nami-miss daw ang ex-boyfriend na aktor
Bugoy Cariño sa pagiging batang ama: Hindi po ako natakot kahit menor de edad po ako