Mga #WalangPasok ngayong August 31; PAGASA may panibagong bagyo na binabantayan 

#WalangPasok

SUSPENDIDO ang mga klase sa maraming lugar sa Metro Manila ngayong araw, August 31.

Ito ay dahil sa naging hagupit ng Bagyong Goring at patuloy na pag-iral ng Southwest Monsoon o Hanging Habagat sa ating bansa.

As of this writing, kinansela sa mga sumusunod na lugar ang mga klase sa pampubliko at pribadong paaralan:

Baka Bet Mo: Maxene Magalona malalim ang hugot sa ‘toxic relationship’: ‘Heal your wounds and transform yourself’

Samantala, kinumpirma ng The Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na nakalabas na ng ating teritoryo ang Bagyong Goring, pero patuloy pa rin nitong pinapalakas ang Habagat.

“Nakalabas ng ng Philippine Area of Responsibillity kahapon ng 7:50 p.m,” sey ni PAGASA Weather Specialist Benison Estareja sa isang press briefing.

Aniya pa, “Malakas pa rin ito kumpara kay Bagyong Hanna… Asahan na nag-eenhance pa rin po ng Southwest Monsoon o Habagat in many areas of Luzon base na rin sa ating latest satellite animation.”

Tulad ng naunang sinabi, isang panibagong bagyo ang kasalukuyang binabantayan ng weather bureau.

Ito ang Bagyong Hanna na huling namataan sa layong 1,225 kilometers silangan ng Extreme Northern Luzon.

Taglay nito ang lakas na hanging 95 kilometers per hour malapit sa gitna at bugsong aabot sa 115 kilometers per hour.

Kasalukuyan itong kumikilos sa bilis na 20 kilometers per hour papunta sa kanluran.

Ayon sa PAGASA, tila mabilis lang ang pagkilos ng nasabing bagyo dahil bukas na rin ito inaasahang lalabas ng ating bansa.

“Sa susunod na apat na araw ay kikilos pa-hilaga kanluran o pa-angat na pa-kaliwa itong si Bagyong Hanna…Maaaring lumabas na rin ng ating Area of Responsibility bukas ng hapon o gabi,” sambit ng weather specialist.

Nabanggit din niya na lalakas ito bilang isang “typhoon” pero ito ay malayo na sa ating bansa.

“Pagsapit ng Sabado maaaring maging Typhoon na po ito habang nasa may East China Sea,” aniya.

Related Chika:

Luis ibinuking si Edu: pumasok sa klase ni Joey Reyes nang nakatuwalya lang

Read more...