Resbak ni Andrea…hindi kalandian ang mag-first move sa lalaki: I’m in my 20’s, I pay my bills and taxes, so, why need to hate where I just want to have fun?’
By: Reggee Bonoan
- 1 year ago
Andrea Brillantes
INALMAHAN ni Andrea Brillantes ang mga nabasa niyang komento nang banggitin niya sa kanyang “Date or Pass” vlog na gusto niyang maka-date ang basketbolistang si Kai Sotto at ang baseball player na si Jakob Poturnak na anak ni Ina Raymundo.
Sabi ni Andrea ay wala siyang nakikitang masama sa sinabi niya dahil date lang naman at hindi naman para jowain agad-agad.
Sa TikTok video niya nitong Linggo habang nakasakay sa kanyang kotse at naglalagay ng make-up dahil may lakad siya ay isinabay niya ang reaksyon niya sa mga nagkomento.
Aniya, “Yesterday while I was at work, I saw a couple of articles nu’ng sinabi ko na parang ‘I’m single’, naguguwapuhan ako sa guy na ‘to ‘tas alam n’yo wala akong pang-amoy pero du’n palang naamoy ko na ‘yung comment section like I had a feeling na ‘yung comment section puro puna na naman ng boomers (generation 57-75 yrs old).”
Isa pang hindi nagustuhan ay ang panawagan ni Blythe sa anak ni Ina na kung napapanood ito ng binata ay gusto niyang ipaalam na “single” siya ngayon dahil nu’ng una raw silang magkakilala ay may boyfriend pa ang dalaga.
Sabi ni Andrea, “Nasabi nilang puro ako boys, hanap ako nang hanap, magpahinga naman muna ako or to be harsh malandi daw akezzz! Parang hindi rin naman nagkamali ang lola n’yo dahil tama nga ako puro ‘yun nga ang nasa comment section. E, di mas lalo pa ako naloka nu’ng nalaman ko na nasa news pa yata ako.
“Sa mga hindi pa nakapanood (YouTube vlog), I put so many disclaimers na, ‘please we’re just girls having fun don’t take this seriously.
“And one of the reasons why I made it ‘date or pass’ instead of Jojowain or Totropahin and the term jojowain for me is too serious na and the last time that I did that type of content I actually ended up being with the guy na trinopa ko, siyempre ayoko nang maulit ‘yun di ba?
“But I explained that on my video at alam n’yo ‘yan kung nanood kayo, pero siyempre ‘di kayo nanood kaya nga kayo judgmental. Eh, di ayun in-OA na ng mga tao.
“Haluhhhh, eto na naman tayo! Sineryoso na naman ‘yun dapat playtime lang. Maiisip ko bang mapapa-article or mapapa-news ako, sinabi ko lang naman naguguwapuhan ako du’n sa tao, ano bang big deal do’n?” reaksyon pa ng dalaga.
Alam ni Andrea na artista siya at kailangan niyang maging aware sa mga sasabihin at ikikilos niya dahil sinusubaybayan siya ng karamihan na umiidolo rin sa kapwa niya Gen Z.
Para sa kanya, “Is it really relevant like is my love life or taste in boys really that relevant to this world? Full problems na nga. So, again para sa mga hindi nanood for full context lang sa part na ‘yun kasi kinuwento ko na this guy went up to me nagpakilala siya blah-blah and sayang lang kasi that time I was taken, e, I really do find him attractive, so ayun sabi ko single na ako as a joke!
“Guys if I was serious about it, ba’t idadaan ko pa sa vlog, DM (direct message) na lang sana ako. It’s also funny kasi ang daming nagsabi na hanap ako nang hanap or I’m trying so hard, come on guys not to be mayabang or anything but I don’t really need to try like it’s really not that hard for me (I’m) just being honest.
“If I really wanted to date a guy now, e di sana meron na magre-reply lang naman ako, eh. Huyy, ayan na naman sasabihin na naman malandi ako,” katwiran ni Andrea.
Ipinagdiinan niya uling hindi siya naghahanap ng dyowa, “It was just for content and entertainment. And even though artista ako, yeah it’s part of my job, I can’t blame anyone for reacting like this I feel like I can still be frustrated kasi tao ako.
“Seeing articles like that it just feels sexist kasi I really said a lot of things pero ‘yun lang ‘yun na-pick up.
“So, parang mas pinapamukha lang na I’m such a mababaw person all I think about is boys, boys, boys, pero ang totoo hindi naman talaga. Eto last na din guys but even if I was being serious about it, I should be getting any hate for it, I don’t think a woman should be getting any hate for making the first move.
“For me that’s not being ‘malandi’ at all. I don’t think a woman should be receiving harsh words and hate just because she’s being courageous sa lalaking natitipuhan niya.
“I’m in my 20’s, I own a business, I have a nice career, I pay my bills and taxes, so, why need to hate where I just want to have fun.
“May nasira ba akong three-month rule? Wala nga, eh. Ano ba kayo, date lang nga, di naman jojowain titigil ba ang mundo n’yo? And I just feel like kung lalaki ako hindi ako makakakuha ng ganitong klaseng hate. Feeling ko nga di ako mapapa-news for this matter.
“Yun lang, naloka lang ako na napa-news pa at ang daming articles kasi sino bang may pake ano ba kayo?” paliwanag mabuti ng batang aktres.