Andrea Brillantes biktima ng matinding pambu-bully ng mga itinuring na kaibigan: ‘Napunta ako sa friends na bad influence talaga!’

Andrea Brillantes biktima ng matinding pambu-bully ng mga itinuring na kaibigan: 'Napunta ako sa friends na bad influence talaga!'

Andrea Brillantes

BONGGA ang revelation ni Andrea Brillantes yesterday, Sunday during the grand mediacon for her new series na “Senior High”.

Ini-reveal kasi niya na once ay na-bully siya ng kanyang friends when asked  kung kanino siya mas nakaka-relate, sa kanyang Luna character sa series or kay Sky na kakambal nito.

Si Luna kasi ay isang high school student na palakaibigan to the point na ginawang alipin ng kanyang mga friends habang si Sky naman ay isang probinsiyanong anti-social.

“I relate to Luna as Blythe not as Andrea kasi lagi siyang bina-bash. Wala naman akong magagawa doon. Mas nakaka-relate po ako kay Luna kasi actually, there was a point in my life parang napasok din ako sa friend group.


“Akala ko friends ko sila but I realized oh, my god, unti-unti nila akong ginagawang alila o yaya nila. Hanggang ‘yung mga friends ko parang nabu-bully na pala ko.

“‘Yung mga friends ko na ito galing din sila sa prestigious schools. Tapos sobrang below the belt na ‘yung ginagawa nila sa akin,” kuwento ni Andrea.

“Doon ako nakaka-relate with Luna kasi minahal ko itong friends ko na ‘to. Hindi naging maganda ang mental health ko. I was at my lowest. I was so young. Hindi ko nakilala ang sarili ko. Sobrang napunta ako sa friends na bad influence talaga,” dagdag pa niya.

Baka Bet Mo: Awra ipinagtanggol si Julia sa mga basher; binalikan ang gabing itinanghal bilang Prom Queen sa Catholic school

Nagpapasalamat si Andrea at nalagpasan na niya ang stage na iyon ng kanyang buhay.

“Thank you sa Diyos at nakawala ako doon. Hinanap ko ang sarili ko. ‘Pag tinitingnan ko, oo, du’n ang dati pero ngayon mas matapang na ako,” say niya.

Pero pagdating sa challenge, mas challenging para sa dalaga ang role ni Sky.

“I think mas challenging si Sky kasi si Luna ‘yung emotions niya  mas kita n’yo agad lahat. Kita ang vulnerability niya at saka mas vocal kasi si Luna. Si Sky  nasa loob po lahat ng emotions niya. Hindi siya iyakin, mas matapang siya.


“Nahihirapan po akong ilaro si Sky kasi parang paano ko gagawing kakaiba siya kasi baka ang mangyari baka ma-bore sa kanya ang mga tao.

“Mas mahirap si Sky kasi kailangang konting laliman ang boses ko kasi hindi naman po ako ganon,” paliwanag niya.

Ang “Senior High” ay mula sa direksyon nina Onat Diaz at Andoy Ranay, ang mga direktor ng patok na revenge series na “Dirty Linen.”

Handog ng ABS-CBN Entertainment at iWantTFC ang isang Dreamscape Entertainment production, tampok din sina Tommy Alejandrino, Gela Atayde, Baron Geisler, Mon Confiado, Sylvia Sanchez, Desiree Del Valle, Kean Cipriano, Ana Abad Santos, Gerald Madrid, Inka Magnaye, Angeli Bayani, Ryan Eigenmann, Rans Rifol, Rap Robes, Kakki Teodoro, at Floyd Tena.

Mapapanood na ang “Senior High” simula Agosto 28, Lunes hanggang Biyernes, ng 9:30 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, iWantTFC, at TFC.

Cherry Pie ibinuking ang sikat na celebrity na walang respeto sa senior stars: ‘Alam n’yo hindi forever ‘yang talent n’yo’

Baron atat na atat gumanap na Juan Luna: Interesado ako sa pagkatao niya, he’s such a complex person

Read more...