Awra ipinagtanggol si Julia sa mga basher; binalikan ang gabing itinanghal bilang Prom Queen sa Catholic school
IPINAGTANGGOL ng teen star na si Awra Briguela ang BFF niyang si Julia Barretto laban sa mga bashers sa social media na patuloy na nangnenega sa dalaga.
Ibang-iba raw ang pagkakakilala niya sa aktres kesa sa mga ibinabatong masasakit na salita ng ilang netizens sa kanyang kaibigan.
Ayon kay Awra, matagal na silang friends ni Julia pero mas lalo pa silang naging close nang magkasama sa Vivamax original coming-of-age series na “The Seniors” na mapapanood na simula sa darating na March 20.
“Dito (The Seniors) kami nagkakilala talaga and sobrang naging deep ng friendship namin. Kasi lahat ng struggles namin and problems sa buhay, napag-usapan namin. Mas nakilala namin ang isa’t isa,” ani Awra sa virtual mediacon ng “The Seniors” kamakalawa, March 14.
View this post on Instagram
“After ng The Seniors, nagki-keep in touch pa rin kami, like may mga bagay kaming napag-uusapan. Nag-start siya (pagkakaibigan) nang in-invite niya ako sa 19th birthday niya,” kuwento ng dating child star na unang nakilala sa serye ni Coco Martin na “Ang Probinsyano.”
Kasunod nga nito dumepensa si Awra sa mga nagpapakalat ng mga fake news at paninira laban sa aktres, “Si Ate Julia, ibang-iba siya sa pagkakakilala ng tao sa kanya. Sobrang bait ni Ate.
“Alam ng lahat ng staff sa The Seniors and lahat ng nakakatrabaho ni Ate sa movies and series kung gaano siya kabait na tao at katrabaho.
“Lagi lang siyang nami-misinterpret ng tao, pero ibang-iba yung pagkakilala ko kay Ate. Super caring niya, sobrang loving niya, sobrang joyful lang ni Ate.
“Gusto lang niya, laging masaya kasi sa The Seniors. Kahit nagkakaroon ng problems, ang saya-saya pa rin namin,” lahad ni Awra.
“Lagi niya akong tinatanong kung kumain na ako para sabay kami. Very ate talaga siya sa akin. And as a person, alam ng ibang cast members kung gaano kabait si Ate,” pagtatanggol pa niya sa dyowa ni Gerald Anderson.
Samantala, natanong din si Awra kung nakaranas din siya ng pambu-bully bilang isang high school student lalo pa’t very open siya sa kanyang sexual preference.
“As bida-bida, Miss Everything talaga ako noong high school kasi nga po, nag-aartista na, nag-join pa ako ng varsity, sumali pa ako sa dance club.
“As a gay friend, lahat circle of friends ko, lahat kaibigan ko kahit mapa-lalake o babae.
“Bida-bida ako dahil hindi naman not so brainy, babawi sa performance task dahil mas mataas ang performance task sa exams. So, mas bumabawi ako sa performance tasks, sa mga project,” pag-amin ng Kapamilya youngstar.
Nagpasalamat pa siya sa mga opisyal ng pinapasukan niyang Catholic school dahil tanggap daw at nirerespeto ng mga ito ang kanyang gender.
Sa katunayan, nanalo pa siyang Queen of the Prom noong 2019 na hinding-hindi raw niya malilimutan habang nabubuhay siya. Ipinakita pa nga niya sa mga dumalo sa presscon ang litrato niya nang um-attend sa kanilang Junior-Senior prom.
“Kapag may mga ganap sa school, nagde-dress up talaga ako nang malala, like kapag may mga UN (United Nations). Ang craziest thing na ginawa ko, nu’ng prom kasi Catholic school ako, they allowed me to cross-dress kaya nanalo ako ng Queen of the Prom,” pahayag pa ni Awra.
https://bandera.inquirer.net/290067/awra-natakot-nang-tinawagan-ng-gma-inakala-na-scam-lang
https://bandera.inquirer.net/282415/2-kilalang-vlogger-kinastigo-matapos-gawan-ng-fake-news-sina-vice-ion-at-awra-pinagmulta-ng-p200k
https://bandera.inquirer.net/299902/awra-proud-na-napagtapos-ang-ama-sa-kolehiyo-ako-po-yung-umakyat-sa-stage-para-bigyan-siya-ng-diploma
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.